^

PSN Showbiz

Pagbabati nina Sarah at Atty. Abrogar, nega ang dating, Coleen Garcia walang galaw ang career, mas kilala lang na gf ni Billy

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen :  Negative ang mga feedback sa pagbabati ni Sarah Lahbati at ni GMA Films President Annette Gozon-Abrogar kaya biktima sila ng bashing.

Scene : Humingi ng paumanhin si Gret­chen Fullido sa TV Patrol dahil sa maling report na nanalo ang Filipina caregiver na si Rose Fostanes sa The Voice. Ang The X Factor Israel ang singing contest na sinalihan ni Rose.

Seen : Ang biruan na fearless ang mga nanood ng Fearless concert ni Jonalyn Viray sa Music Museum noong Biyernes dahil kinaya ng po­wers nila ang pagsusuot ni Jonalyn ng mga sexy outfit.

Scene : Nagpakita sa Department of Justice noong Biyernes at nag-submit ng counter affidavit si Jaypee Calma, isa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro. Naging mailap si Jaypee sa media.

Seen : Itinanggi ni Jaypee Calma na tumulong siya sa pambubugbog kay Vhong Navarro. Naabutan raw niya na binubugbog si Vhong nang dumating siya sa condominium unit na ni rerentahan ni Deniece Cornejo noong January 22.

Scene : Ang  shooting ng dalawang pelikula niya sa Viva Films ang pagkakaabalahan ni Cristine Reyes pagkatapos ng  Honesto, ang primetime show niya sa ABS-CBN.

Magwawakas ang Honesto sa March 14.

Seen : Sweet Poison Dessert ang pangalan ng cupcake company ni Ryzza Cenon. By order ang  pagbili sa delicious cupcakes ni Ryzza.

Scene : Maliban sa pagiging girlfriend ni Billy Crawford, hindi nararamdaman ang presence ni Coleen Garcia bilang co-host ng It’s Showtime.

                         

 

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BILLY CRAWFORD

BIYERNES

COLEEN GARCIA

CRISTINE REYES

JAYPEE CALMA

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with