Male singer ayaw bayaran ang patung-patong na utang sa dating producer!
Nagsumbong sa akin ang isang dating movie producer tungkol sa male singer na ayaw magbayad ng utang.
Super emote ang produ dahil naging mabait siya sa male singer na pinahiram pa niya ng sasakÂyan dahil can’t afford pa na bumili noong nagsisimula pa lang ang singing career.
Ang ending, ayaw nang ibalik ng male singer ang kotse. Ayaw rin niya na bayaran ang kanyang patung-patong na utang.
Nagsumbong sa akin ang produ at humihingi ng payo. Ano ba raw ang gagawin niya para masingil ang abusadong mang-aawit?
Simple lang ’yan, ipunin niya ang mga ebidensiya laban sa singer at magsampa siya ng kaso. Puwede rin na gawin niya ang paniningil sa national TV para matauhan ang mang-aawit na hindi pa naman yata sanay sa eskandalo.
Interesado rin ako na marinig ang panig ng siÂnger. Baka naman may sariling dahilan siya kaya ayaw niya na magbayad ng utang. Kailan naman kaya siya magsasalita?
Gladys nag-react sa prosthetics
Si Gladys Reyes ang ipinalit sa role ni Rep. Lani Mercado sa Kambal Sirena. Gustung-gusto ni Lani ang bagong telefantasya ng GMA 7 pero nagka-phobia na siya sa dagat nang mamaga ang kanyang kamay dahil sa kagat ng isang hayop na naninirahan sa dagat.
Naintindihan naman ng GMA 7 ang sitwasyon ni Lani kaya si Gladys ang kinuha nila bilang replacement.
Kontrabida na sirena ang role ni Gladys sa Kambal Sirena na pinagbibidahan ni Louise delos Reyes.
Required si Gladys na lagyan ng prosthetics pero nag-react ang kanyang makinis na balat. Malamang na bawasan ang prostethics ni Gladys sa mukha para hindi na siya magkaroon ng allergy.
Marami na ang excited na mapanood ang Kambal Sirena dahil nakakaintriga ang teaser ng telefantasya na magsisimula sa March 10.
Ang suwerte-suwerte ni Louise dahil very challenging ang role na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network. Nag-promise si Louise na pagbubutihin ang pag-arte para masulit ang pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng GMA 7.
Sarah puwede sanang sirena
Bagay din kay Sarah Lahbati ang role ng isang sirena. Kung hindi siguro nagkaroon ng problema, baka na-consider si Sarah para maging bida ng Kambal Sirena.
Anyway, bumalik na si Sarah sa GMA 7 dahil nagkasundo na sila ng mga big boss na nakatampuhan niya. Mukhang magiging maganda ang 2014 ni Sarah dahil isa-isa nang nalulutas ang kanyang mga problema. Puwede na siyang mag-focus sa kanyang naudlot na acting career.
Promenade cinema dinagsa ng senior citizens
Mga senior citizen ang nakasabay ko sa panoÂnood ng Non-Stop sa Greenhills Theater sa San Juan City noong Biyernes.
Ang akala ko nga, senior citizen’s day sa San Juan City tuwing Biyernes kaya marami ang nanonood ng sine. May araw na libre sa mga sinehan ang mga senior citizen na residente ng San Juan City.
Pinanood ko sa bagong bukas na cinema ng Promenade ang pelikula ni Liam Neeson. Sobrang ginaw sa loob ng sinehan. Mabuti na lang at nagdala ako ng jacket or else nanginig ako sa sobrang lamig.
- Latest