Anne at Kathryn napa-react, Marian itinodo na ang pagpapa-sexy!
MANILA, Philippines - Lahat ay nagagandahan sa mga sexy photos ni MaÂrian Rivera sa 14th anniversary issue ng FHM.
Todo ang ginawang pagpapa-sexy ni Marian as in kita na ang kalahati ng bobsie niya pero hindi malaswang lumabas ang pictorial sa men’s magazine na kinunan sa isang exclusive resort.
Maging sina Anne Curtis and Kathryn Bernardo ay nag-comment sa kaseksihan ng Kapuso actress.
Bakit naman kasi ang perfect ng katawan ni Marian. Walang kahit konting bilbil o taba sa katawan.
MTRCB walang pinalalampas na kalaswaan
Nakipag-tsikahan si Atty. Vic Muring, Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Executive Director, sa entertainment editors at nabanggit niya na magkakaroon na ng Public Information Office (PIO) ang kanilang opisina para mas madali silang makapag-react sa mga balitang dawit ang kanilang opisina na under the Office of the President.
Kalimitan naman ay nagre-react sa mga lumalabas na news tungkol sa MTRCB ay mismong si Chairman Atty. Toto Villareal pero hindi lahat ay nabibigyan nila ng information or reaction sa isang particular na issue. Eh ang dami pa naman nilang mga progÂramang kailangang bantayan lalo na at maraming ibang naglulutangan kalaswaan kahit sa dialogue man lang.
Kaya oras na magkaroon sila ng PIO mas madadali ang process nila ng pagbibigay ng information.
Pero nang tanungin si Atty. Muring kung alin sa tatlong network, ABS-CBN, GMA and TV5 ang may pinakamaraming ‘kasalanan’ sa MTRCB, ayaw magkumpirma ng abogado. Eh pag pala nag-violate ang isang show, nagbabayad sila ng fine na P20,000.
Kaya lang hindi sakop ng MTRCB ang mga straight news program. Maging ang cable shows ay hindi nila under ng kanilang jurisdiction lalo na ‘yung mga cable channel na straight from the home studio sa abroad ang feed.
Nangako si Atty. Muring na ginagawa naman nilang lahat para mas mabantayan ang mga programang nagba-violate sa rules and regulations ng MTRCB.
Michael Christian Martinez at Rose Fostanes may bonggang homecoming
Sisimulan ng ASAP 19 ang buwan ng Marso na may hatid na world-class performances at umaapaw na kilig ngayong Linggo (Marso 2) sa pangunguna ng Got To Believe stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kasama sina Manilyn Reynes, Benjie Paras, Ian VeÂneracion at Carmina Villaroel sa kanilang pamamaalam sa romantic primetime series sa huling dalawang linggo nito.
Makisaya rin sa enggrandeng pagdiriwang ng Filipino pride sa natatanging homecoming ng ASAP 19 para sa Sochi Olympian figure skater na si Michael Christian Martinez at The X Factor Israel grand winner na si Rose Fostanes.
Back-to-back surprises din ang matutunghayan mula sa Starting Over Again lead stars na sina PioÂlo Pascual at Toni Gonzaga, at Annaliza father at daughter tandem nina Zanjoe Marudo at Andrea Brillantes.
Humanda naman para sa isang de-kalibreng musical experience mula sa most requested collaboration nina Popstar Sarah Geronimo at OPM rock icon na si Bamboo; maki-jam sa musika ni Carole King sa showdown ng Homegrown Divas na sina Morisette, KlaÂrisse De Guzman, at Angeline Quinto; at makikanta sa mga hindi malilimutang awitin ng Apo Hiking SoÂciety kasama sina Jim Paredes at Buboy Garovillo.
Tiyak na kaabang-abang din ang makapigil-hiningang vocal performances mula kina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Erik Santos, Jed MaÂdela, Yeng Constantino, Nikki Gil, Richard Poon, Juris, Mitoy, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Liezel Garcia, Isa Fabregas, Emman Vera, at KZ Tandingan.
Huwag palampasin ang non-stop na hatawan sa dance floor ng Supahdancers na sina Luis Manzano, Alex Gonzaga, Robi Domingo, John Prats, Maja Salvador, Enchong Dee, Rayver Cruz, Sam Concepcion, at Kim Chiu.
Huwag palampasin ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.
- Latest