Ogie at Gelli tinatawanan na lang ang nangyari noon kina Regine at Ariel

Unang nagkasama sina Ogie Alcasid at Gelli de Belen sa dating top-rating gag show ng ABC-5, ang Tropang Trumpo in 1993 kung saan din nila dati kasama si Michael V. na siya namang naiwan sa long-running gag show na Bubble Gang sa bakuran ng GMA. Matagal ding naging home studio nina Ogie at Gelli ang GMA bago sila lumipat ng TV5.

Balik-tambalan ngayon ang dalawa sa bagong gag show ng TV5 na Tropa Mo Ko Unli at muli silang magsasama sa bagong tawa-serye ng Kapatid Network, ang Confessions of a Torpe na tampok din sina Alice Dixson at Wendell Ramos at iba pa na pinamamahalaan ng actor-director na si Soxy Topacio.

There was a time na nagkaroon ng gap sa pagitan nina Gelli at misis ngayon ni Ogie na si Regine Velasquez. Unknown to many, naging kasintahan ng mister ni Gelli na si Ariel Rivera si Regine nung mag-break sila pero nagkabalikan din sila na nauwi sa kanilang pagpapakasal in 1997.  It took six years bago na-break ang ice sa pagitan nina Gelli at Regine nang mag-guest ang huli sa now-defunct morning TV show noon ni Gelli with sister Janice and friend Carmina Villaroel, ang SiS on GMA. It was in 2003. Since then, okay na sina Gelli at Regine kapag nagkikita.

Parehong masaya ngayon sina Gelli at Ogie sa kanilang respective families – si Gelli with husband Ariel kapiling ang dalawa nilang anak na sina Julio at Joaquin at sina Ogie at Regine with son Nate.

During the wake ng ama ni Regine na si Mang Gerry sa Bulacan, pumunta at nakiramay ang mag-asawang Ariel at Gelli.

At limot na nila ngayon ang mga nangyari noon sa kani-kanilang partner at kung naalala man nila, nagkakatawanan na lang ang dalawa.

Show comments