Jericho nakikipaglaban na rin kay Mali
Isa lamang si Jericho Rosales sa mga artistang naki-join sa kampanya ng grupong PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) na mailipat ang elepanteng si Mali mula sa kanyang kinalalagyan sa Manila Zoo sa isang mas komportableng lugar na kung saan ay maluwag siyang makakakilos at makatatanggap ng tulong na medikal at para magamot na rin ang kanyang paang may pinsala. Kailangan din niya ng mga kasamahang elepante ’di tulad sa Manila Zoo na nag-iisa lamang siya.
Kasama ni Jericho sa kanyang magandang mitÂhiin para kay Mali siÂna Charice, Aiza SeÂguerra, Dingdong Dantes, Kim Chiu, Xian Lim, Sam Milby, Marian RiveÂra, ang miyembro ng The Beatles na si Paul McCartney at marami pang celebs.
Aljur komportable agad kay Louise
Kung ang ka-partner niyang si Louise delos Reyes ay napaka-confident at walang katakut-takot na baka makasabay nang pagpapalabas ng teleÂserÂye nilang Kambal Sirena, na isa pang kuwento ng sirena sa kanilang GMA7, wala ring pangamba na nararamdaman si Aljur Abrenica. Confident ito na hindi sila mahihirapang magkatrabaho ni Louise dahil wala na silang ginawang adjustment ng kanyang kapareha, kaagad ay komportable na sila.
Pokwang nagbulag-bulagan sa pambababae ng mister
Matiising asawa at masipag na ina ang karakter na bibigyang buhay ni Pokwang sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong gabi. Gaganap siyang si Mely, ang may-bahay na nagbulag-bulagan sa pambababae ng kanyang mister upang mapanatiÂling buo ang kanyang pamilya.
Ang episode ay idinirek ni Garry Fernando.
- Latest