SEEN: Dapat i-review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang statement kahapon ni Lourd de Veyra sa Good Morning Club ng TV5.
Pinayuhan ni Lourd ang mga kriminal na kung mananaksak sila ng tao, sa gilid at hindi sa ulo.
SCENE: Nanghingi ng paumanhin ang Bandila ng ABS-CBN sa report ng programa tungkol sa mysterious flesh-eating disease na naghatid ng takot sa publiko.
Ito ang official statement ng pamunuan ng Bandila: “Humihingi po ang Bandila ng paumanhin kung ang ulat namin tungkol sa dalawang magkaibang kaso ng sakit sa balat ay nagdulot ng takot o pangamba lalo na sa lalawigan ng Pangasinan.
“Iniimbestigahan na ngayon ng ABS-CBN Office of the Network Ombudsman ang mga pangyayari sa likod ng naturang ulat.
“Sisiguraduhin po ng ABS-CBN News na magpapatupad ito ng karampatang aksiyon, ayon sa resulta ng imbestigasyon ng aming Ombudsman.â€
SEEN : Ang kuwento ni Mat Ranillo III na nilapitan niya noon si Pangulong Noynoy Aquino noong senador pa lamang ito nang magkita sila sa isang bookstore.
Humingi ng tulong ang dating aktor kay Aquino tungkol sa kaso na isinampa niya noon laban kay Janet Lim-Napoles pero sinabi ni P-Noy na may ibang committee na may hawak sa problema na inilalapit ng aktor.
SCENE : Ayaw sabihin ni Louise delos Reyes ang airing date ng Kambal Sirena dahil ito raw ang utos ng GMA 7 management.
SEEN: Ang Kambal Sirena ang ipapalit sa Adarna na magwawakas sa March 7, Biyernes.
Kahit inililihim ni Louise delos Reyes ang playdate ng Kambal Sirena, maliwanag na magsisimula ito sa March 10, Lunes.
SCENE: Special guest bukas sa ASAP 19 si Rose Fostanes, ang first ever winner ng The X Factor Israel.
SEEN: Nag-first shooting day na ang Sarah Geronimo-Coco Martin movie noong Huwebes.
Ipalalabas na sa April sa mga sinehan ang unang movie teamup nina Sarah at Coco.
Unang nagkatrabaho ang dalawa sa Idol, ang primetime musical drama comedy series ng ABS-CBN noong 2010.