PIK: Mamayang gabi ay ilo-launch ng GMA 7 ang Saturday Night Viewing Tandem sa weekend primetime, ang Picture! Picture! ni Ryan Agoncillo at ang Celebrity Bluff ni Eugene Domingo.
Lalong lumalakas sa viewers ang dalawang game shows na orihinal na likha ng GMA Entertainment.
PAK: Punung-puno ng inspiring messages ang Instagram account ni Jackie Forster dahil sa daughter niyang may sakit.
Malubha ang sakit ng mahigit na tatlong taong gulang na anak niya na base roon sa mga ipino-post sa kanyang Instagram account, may leukemia ang bata.
Ito lang ang nag-iisang anak na babae ni Jackie kaya sobrang apektado ito sa pinagdadaanan ng kanyang anak.
Kaya patuloy ang paghingi niya ng dasal sa kanyang anak na malagpasan ito ng bata.
Ang ganda pa naman ng anak ni Jackie at napakamasayahing bata na marami ang natutuwa sa pagiging kikay nito, kaya sana nga gumaling at malagpasan ito ng kanyang anak.
BOOM: Humarap na sa media sina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Sarah Lahbati kahapon para tuldukan na ang kanilang gap at ini-announce na mada-drop na ang kasong isinampa ni Atty. Abrogar kay Sarah.
Sinabi ni Sarah, na mabilis lang ang pag-uusap nila ni Atty. Abrogar sa mediation at nagkaayos agad sila.
Pahayag ni Sarah kay Atty. Annette: “I wanna thank you Ms. Annette kasi dumalo kayo nung mediation. I’m happy that you went because na-clarify ako sa mga bagay na hindi ko pala naintindihan before. Nakapag-usap kami na kaming dalawa lang and I’m very happy na nangyari ’yun, ang gaan sa loob. May peace of mind ako.
“And secondly, I know that nag-sorry na ako nung mediation, and I want everyone to know na I’m really sorry because I may have said some things before rashly and…. which both hurt you and put your integrity in question, and I’m really sorry for that. I regret things that I said, and I’m very happy na nakapag-usap tayo and nagkaroon ng mediation.â€
Tinanggap naman ni Atty. Annette ang paghingi ni Sarah ng paumanhin.
Sabi nito: “We talked and naintindihan ko ’yung sinabi niya sa akin because she was under a lot of stress at that time, both in her personal and work. Talagang na-overwhelm siya, and of course she was just nineteen (years old), and nung nag-usap kami, sabi ko sa kanya, I can’t blame her, nineteen lang siya and talagang puwede kang mag-misinterpret ng mga legal term and contractual term na lalo ’pag gulung-gulo ka, you might say something ang in-admit naman niya na oo nga mali pala, hindi pala tama ang interpretation niya. That’s why nga nag-apologize siya, and I just saw the sincerity, and nakita ko rin sa kanya and it takes a very strong and big person to be able to apologize. To admit a mistake, and I think ’yun ang maganda sa kanya, and she can move forward now as a better person. Sabi ko nga next time, ’pag may issue, tayo na lang mag-usap.â€