Uy matagal-tagal palang mamamahinga si John Lloyd Cruz dahil sa natamong tama sa mukha matapos sumemplang sa shooting ng summer station ID ng ABS-CBN.
Kasi naman daw itong si John Lloyd hindi pala sumunod sa original plan, hindi sa daan na na-ocular ng production. Sa actual take daw, iniba raw nito ang route niya. Eh dun daw sa pinili nitong daanan may butas kaya nang mapadaan daw si Lloydie habang nagba-bike, pak, sumemplang siya. Kaya raw nang pagalitan ng management ang production, ayun daw ang sinabi ng grupo.
Naporohan daw talaga ang mukha ng aktor kaya rest muna ito.
Kaya exit muna siya sa Home Sweetie Home nila ni Toni Gonzaga ayon mismo sa press release ng ABS-CBN.
Hindi na naka-attend si John Lloyd sa launching ng Century Tuna Super Bods na first project nila ni Anne Curtis pagkatapos ng kanilang controversial na encounter sa isang bar.
Cristine gusto munang maging single
Itinanggi ni Cristine Reyes na nagkabalikan sila ni Rayver Cruz. Wala raw reconciliation. Talaga lang nanatili silang magkaibigan sabi ni Cristine kahapon sa ginanap na finale presscon ng Honesto na matatapos na two weeks from now. “Hindi po kami nagkabalikan. Sana huwag muna akong magka-boyfriend, one or two years. Gusto ko muÂnang maging abala sa trabaho. Minsan lang ako magiging bata. I hope single muna ako,†sabi ni Cristine na puring-puri ng production ng Honesto dahil walang kaarte-arte sa katawan.
Aminado naman siyang lumalabas-labas sila ng ex, pero hanggang ganun lang sila. Nag-iinisan lang sila lalo na nga’t meron na palang nililigawan si Rayver.
Nagpa-Honesto rin si Paulo Avelino tungkol sa kanila ni KC Concepcion na bago lumipad pa-New York ay alam ng buong showbiz na nililigawan niya. “We still communicate. Pero baliktad kasi ang oras namin ngayon,†katuwiran ng aktor.
Pero aminado siyang inspirado siya.
Anyway, tinutukan ng TV viewers ang mga huling laban para sa katotohanan at katapatan ng nanguÂngunang primetime drama series ng ABS-CBN na Honesto.
Gustuhin man nilang pahabain pa ang programa dahil sa mataas na rating, ayaw na nilang pilitin ayon kay Biboy Arboleda, advertising and promotions head of ABS-CBN’s Dreamscape.
Bukod sa ‘tapat at totoong’ kuwento ng teleserÂyeng napapanahon, tumatak din sa puso ng mga maÂÂnonood ang pinakabagong child wonder na si Raikko Mateo na gumaganap bilang si Honesto at ang tambalang Diego at Marie na giÂnagampanan nga nina Pauloat Cristine.
Bukod kina Raikko, Paulo, at Cristine, bahaÂgi rin ng powerhouse cast sina Eddie Garcia, Joel Torre, JaÂnice de Belen, Angel Aquino, Nonie BuencaÂmino, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor.