MANILA, Philippines - Karaniwang may mga maliliit na pondahang makikita sa mga kanto at kalyeng matao. KinagiÂgiliwan at pinipilahan ang mga ihaw-ihaw at pritong pagkain dito.
Sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga’y samahan si Mader Ricky Reyes sa pagtikim ng kwek-kwek, banana at kamote cue, adidas, tsitsarong balat ng manok, puwet, at isaw. Ano nga ba ang mga ito?
“Sa pagdami ng mga ihaw-ihaw sa kalye ay minsan pang napatunayan na ang mga Pinoy pagdaÂting sa paghahanap ng ikabubuhay ay matiyaga, maparaan, at matalino,†say ni Mader.
Aalamin natin kina Bayang Barrios at Noel Cabangon ang pagtatayo ng sariling kainan kung saan sila at ibang kapwa OPM singers ay umaawit para sa mga kumakain.
Kung pangarap naman ninyong magtayo ng maliit na negosyo o magtrabaho sa ibang bansa, tutok lang dahil ipapaliwanag ng mga guro ng Ricky Reyes Learning Institute ang mga short course na magamit ninyo para matupad ang mga pangarap tulad ng Cosmetology, Hotel and Restaurant Services.
Dadalhin naman kayo ng GRR TNT sa Sheridan Resort sa Palawan na angkop na bakasyunan para sa mga turistang local at banyaga. Sasampolan ni Mader ang malinis, moderno, at magagandang bahagi ng hotel, mga katakam-takam na pagkain at hospitality ng management, staff at crew. Isa itong paraiso para sa lahat.