Naintriga ang press sa reaction ng kilalang aktres nang matanong sa sikat na aktor na na-link sa kanya. Sa sagot ng aktres na hindi sila compatible ng sikat na aktor, alam nang nagkaroon ng ligawan nang sila’y magkasama sa isang TV show.
Ang nakakaloka ay ang facial expression ng aktres na para bang hindi ma-take na liligawan siya ng aktor at magiging sila. Para bang ayaw na ayaw nitong mali-link sa aktor, kung bakit, hindi na ito nagsalita.
Ang sinabi lang ng aktres, gusto niyang taller sa kanya ang makakarelasyon at nagkataong mas matangkad siya sa aktor. Kaya kahit sikat ito at guwapo, hindi ito pumasa sa kanya.
Nabalita ring nakarelasyon ng aktres ang isang chickboy na director, pero gaya sa aktor, itinanggi rin nito ang tsismis. Nagulat ito sa tsika sa kanila ng director lalo’t first time niyang narinig. Kaso, mababa rin sa kanya ang director, kaya hindi rin ito papasa sa kanyang panlasa.
Marian pang-anniversary ng FHM
Si Marian Rivera ang cover ng March issue ng FHM at itinaong 14th anniversary issue ng men’s magazine ang muli nitong pagko-cover. Excited na ang fans ng bida ng Carmela sa muli nitong pagco-cover sa men’s mag.
Unang nag-cover si Marian sa FHM January 2013 last year at naging maingay at sobrang successful ‘yun at ‘yun na yata ang biggest selling magazine cover. Inabot ng ilang oras ang autograph signing niya sa rami ng copies na pinirmahan.
Tingnan natin kung matatapatan ng sales ng January 2013 issue ang March 2014 issue ng magasin na parehong si Marian ang cover.
G ayaw patawag ng tita
Nagkita na rin finally sina G Toengi at Joyce Ching sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw last Wednesday, after ng isyung kinagalitan diumano ni G si Joyce dahil sa pictorial nang nasabing soap dahil tinawag niyang “tita†si G.
Sabi ni Joyce, binati niya si G nang makasalubong niya sa taping at ngumiti at bumati rin sa kanya, tila nakalimutan na ang insidente. Hindi lang nasunod ang gusto niyang makausap at makatsikahan si G dahil busy ito.
Ayaw na sanang pag-usapan ni Joyce ang tungkol doon, pero natanong siya ng press. Hindi raw niya alam na ayaw nitong patawag na “tita†at mas komportableng tawaging “Miss G.†Ang alam ni Joyce, off-the-record ang naikuwento niya sa isang reporter, kaya ganu’n na lang ang gulat nang masulat.
Nang si G ang makausap, ikinuwento kung bakit ayaw niyang tinatawag siyang tita. Sabi nito: “I understand pagrespeto ‘yun, pero bilang babae at sa working environment na ito, address me in my name. Ayokong tini-tita ako, mukha ba akong tita? Hindi ako galit at hindi ako nahihiyang sabihin kung saan ako comfortable tawagin,†paliwang ni G.
Mahaba pa ang tatakbuhin ng Paraiso Ko’y Ikaw, matagal pa ang taping at siguro naman hanggang matapos ang soap, mas maging okay sina G at Joyce at hindi lang sa “hello†ang kanilang batian at matupad ang wish ni Joyce na makatsikahan si “Ms. G.â€
Ogie hot sa costume na short shorts
Naka-’80s costume ang cast ng tawa-serye ng TV5 na Confessions of a Torpe sa presscon, kaya masaya at mas okey sana kung may background 80’s music habang ipinapakilala sila. Si Ogie Alcasid ang pinaka-hot ang costume dahil naka-short shorts at sabi nito, sa three episodes ng sitcom, naka-shorts siya.
Isa ang Confessions of a Torpe sa may pinakamaraming cast ng sitcom at sabi nina direk Soxie Topacio at Topel Lee, nagko-contribute ang buong cast para mas maganda at nakakatawa ang tawa-serye na magpa-pilot sa Monday, 7:30 p.m.
Marami ang nakapansin na mas straight nang mag-Tagalog si Mark Neumann at wala na ang accent. Role ni Hanley Kubric na pamangkin ni Tupe (Ogie) ang ginagampanan ng teen actor, laki sa Croatia at certified torpe rin.