MANILA, Philippines - Ang pinakabagong Afternoon Prime drama ng GMA Network na Innamorata ang nanguna sa nasasakupang timeslot sa hapon. Pinakamataas ang TV ratings nito noong pilot week, ayon sa TV ratings data supplier Nielsen TV Audience Measurement.
Base sa overnight data na naitala sa National Urban Phils. noong Feb. 17-21, ang Innamorata ay pumalo sa 10.1 percent household na mas mataas sa mga kalabang palabas sa ibang channel. Sa Urban Luzon, naka-score ito ng 11.0 percent household.
Ang Innamorata, na isang Italian word na ang ibig sabihin ay “my love,†ay tungkol sa isang dramatic at misteryosong kuwento ng isang babae na kahit may pangit na kaanyuan ay may mabuting kalooban at punung-puno ng pagmamahal.
Bida rito sina Max Collins (Esperanza), Juan Rodrigo (Leandro), Gwen Zamora (Alejandra), Luz Fernandez (Manang Belen), Dion Ignacio (Dencio), Pinky Amador (Delia), at Luis Alandy (Edwin).
Ang Innamorata ay umeere araw-araw pagkatapos ng Villa Quintana sa GMA 7.