MANILA, Philippines - Kumpirmadong tsugi nang leading lady ni Vhong Navarro si Ellen Adarna sa ginagawang pelikula ng komedyante bago siya nabugbog ng grupo ni Cedric Lee.
Kaibigan daw kasi si Ellen ng grupo nila Lee kaya given na ayaw na itong makatrabaho ni Vhong na nakatakdang kasuhan ng perjury si Roxanne Cabañero anytime. Si Cabañero ang pangalawang babaeng nagdemanda ng rape kay Vhong.
Anne hands-on sa kanyang forbidden concert, namimili ng mga sariling kanta
Hands on na hands on pala si Anne Curtis sa kanyang second major concert sa Araneta Coliseum - Anne Curtis : The Forbidden Concert – Annekapal sa May 16.
Mismong si Anne daw ang namimili ng mga kakantahin niya at mga gagamiting damit, as in lahat ng detalye. Mas pasabog daw ang gagawin ni Anne dito.
In fairness, mabilis daw ang galaw ng tickets nito: Patron A - P5,500; Patron B - P4,500; Lower Box - P4,500; Upper Box A - P3,000; Upper Box B - P1,000 simula nang magkaroon ng announcement ang concert ni Dyesebel. Sa mga hindi pa nakakabili, tickets are available at all Ticketnet outlets located at the SM Department Store Customer Service Area, Resorts World Manila, Fisher Mall and at the Araneta Coliseum ticket booths.
For inquiries and reservations, please call TicketÂnet at 911-5555 and Viva Concerts at 687-7236. You may also visit www.annecurtis.ph and www.viva.com.ph.
Bukod sa Annekapal, busy din si Anne sa tapÂÂÂing ng Dyesebel na magsisimula nang sumisid next month.
Matapos mabasura ang mga demanda, Sarah at Atty. Abrogar, nag-usap na
Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong libel at unjust vexation na isinampa ng aktres na si Sarah Lahbati laban kay GMA Films President Anna Teresa Gozon-Abrogar dahil sa “lack of probable cause.â€
Kaya sa kasalukuyan, lahat ng apat na kasong isinampa ng Kapuso aktres na girlfriend ni Richard Gutierrez laban kay Abrogar ay na-dismiss dahil sa lack of merit.
Nagreklamo si Lahbati na may malisya ang mga pahayag ni Abrogar laban sa kanya na ipinalabas sa primetime newscast ng GMA na 24 Oras noong Hulyo 19, 2013, at sa talk show ng GMA na Startalk noong Hulyo 20, 2013.
Sa kanyang Resolution noong Pebrero 12, 2014, sinabi ni Assistant City Prosecutor Nicazio Rosales na ang mga pahayag ni Abrogar ay pawang reaksiyon lamang sa ginawang pagsampa ng criminal complaint ni Lahbati laban sa kanya.
“The complainant should not be onion skinned when she heard or read a reaction or comment to what she did,†sabi ng prosecutor.
Iginiit ni Lahbati na binitawan umano ni Abrogar ang mga malisyosong pahayag nito upang ipalabas na wala itong intensiyong ituloy ang demanda sa kabila ng katotohanang nasumpaan na niya ang reklamo niya. Dagdag pa ni Lahbati, below the belt ang pagsasaad ni Abrogar na “disrespectful to the media and to the judiciary†si Lahbati at ang kanyang abogado, na luÂmabas sa ilang pahayagan at social networking sites.
“Respondent (Abrogar) is not motivated with ill-will or spite but in response to duty, that is, her duty to defend herself. A careful reading of the alleged defamatory imputation readily shows that there is nothing offensive in the language used by the respondent. It is only a truthful expression of her opinion regarding the filing of the criminal case filed against her,†dagdag ni Rosales.
Sa ngayon daw ay nagkaroon na ng chance na magkausap ang dalawang kampo para maayos na mga pangyayari bilang nakakontrata pa naman si Sarah sa GMA at hindi rin naman siya makakapag-trabaho sa iba although may balitang gagawa ito ng isang show sa TV5.
Jonalyn nangako ng kakaibang concert
Ngayong gabi na gaganapin ang Fearless concert ng GMA Artist Center star na si Jonalyn Viray bilang celebration ng kanyang 9th year in the music industry sa Music Museum.
The Kapuso singer and mainstay of GMA’s musical variety show Sunday All Stars promises her audiences a night of remarkable and fearless performances.
“Marami akong kakantahin na songs na kinatatakutan kong kantahin. It’s about time to step out of my comfort zone. Kaya I’m excited to celebrate my 9th year in the business with the people na walang sawang sumusuporta sa akin,†sabi ni Jonalyn.