MANILA, Philippines – Kulang sa probable cause ang apat na kaso ng dating GMA 7 talent na si Sarah Lahbati laban kay GMA Films president Anna Teresa Gozon-Abrogar kaya naman ibinasura ito ng Quezon City Prosecutor's Office.
Sa inilabas na desisyon ni Assistant City Prosecutor Nicazio Rosales noong Pebrero 12, sinabi niyang hindi kayang patunayan ni Lahbati ang kasong libel at vexation na inihain niya kay Abrogar, anak ni GMA Network chief executive Felipe Gozon.
Inireklamo ni Lahbati si Abrogar noong Hulyo 2013 matapos magbigay ang GMA films president ng pahayag ukol sa biglaang pag-alis ng bansa ng artista kung saan binalewala niya ang kontrata.
Aniya, mapanira ang mga naging pahayag ni Abrogar laban sa kanya, dahilan upang maghain si Lahbati ng reklamo.
Pero iginiit ni Rosales na walang masama sa naging pahayag ni Abrogar dahil ito’y sagot lamang sa mga kasong inihain sa kanya ni Lahbati.
Kaugnay na balita: Sarah buntis na ang hitsura
"A careful reading of the alleged defamatory imputation readily shows that there is nothing offensive in the language used by the respondent. It is only a truthful expression of her opinion," nakasaad sa desisyon ni Rosales.
"The complainant should not be onion-skinned when she heard or read a reaction or comment to what she did," dagdag niya.
Sa biglaang pag-alis ni Sarah kumalat ang mga haka-hakang nabuntis siya ng boyfriend na si Richard Gutierrez.