^

PSN Showbiz

Muling pagsasama nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez mapapanood sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ano ang kaya mong ipagpalit para sa iyong mga pangarap? Kaya mo bang isugal ang iyong pamil­ya? Kaya mo bang talikuran ang kinabukasan na may kasiguraduhan?

Ito ang mga tanong na hinarap nina Eduard Fo­layang at Mark Sangiao, da­lawang athletes sa isang sport na hindi ki­nilala at hindi sineryoso ng mahabang panahon: ang mixed martial arts; sport na kanilang ipinaglaban, at ipinagmalaki hanggang makuha nito ang recognition mula sa mga kapwa Pilipino.

Ngunit bago makamit ang recognition na ito, ano ang mga naging kapalit sa kanilang buhay?

Paano nagawang pagsabayin ni Mark ang kaniyang pagiging coach at athlete sa kanyang pagiging padre de pamilya? Paano niya nagawang kumbinsihin ang misis niya na maniwala sa kanya... sa maaari niyang marating?

At paano nagawang mapapayag ni Eduard ang kanyang mga magulang na pasukin niya ang isang sport na walang kasi­guraduhan... kung saan maraming pagkakataong maaari siyang mawalan lalo ng kinabukasan? 

Itinatampok sa Mandirigma episode ng Magpakailanman ang muling pag­sasama nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez matapos ng kanilang successful na pagganap mula sa My Husband’s Lover. Kasama rin sina Sheena Halili, Andrew Schimmer, Snooky Serna, at Mr. Bembol Roco; sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, at sa panulat ni Jules Katanyag mula sa pananaliksik nina Karen Lustica at Stanley Pabilona.

Sundan ang kanilang kuwento ng paghihirap, ng pakikipagsapalaran, at ng kanilang tagumpay—ngayong Sabado, March 1, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.

ANDREW SCHIMMER

DADDY KO

DENNIS TRILLO

EDUARD FO

JULES KATANYAG

KAREN LUSTICA

KAYA

MAGPAKAILANMAN

MARK SANGIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with