Umeere pa ang soap kung saan kasali ang isang aktor at matagal pang matatapos, pero hindi na nito tinapos ang partisipasyon niya. Nagpaalam ito sa kanyang director at sa production staff na aalis na siya at pumayag na patayin ang kanyang karakter kahit sa original script, buhay ang karakter niya hanggang sa ending.
Disappointed ang aktor sa kinalabasan ng kanyang role dahil madalang siyang i-scheÂdule ng taping at minsan pa nga, isang beses sa isang buwan lang siya may taping, pero panay ang labas ng kanyang karakter.
Ayaw isipin ng aktor, pero feeling niya, nadadaya siya dahil for a one day taping, lahat ng mga eksena niya kinukunan at saka ipalalabas. Para hindi na lang mag-isip ng masama at sumama ang loob, nag-decide ang aktor na umalis na lang sa soap.
At least ngayon, wala man siyang soap, panatag naman ang loob nito na hindi siya nadadaya. Naniniwala ang aktor na may kukuha pa sa kanya for another soap dahil professional daw siya at hindi bopol sa pag-arte.
Dennis bet sa pagka-best actor si Tom
Magkalaban ang magkaibigang Dennis Trillo at Tom RodriÂguez sa Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series para sa My Husband’s Lover sa Golden Screen TV Awards ng Enpress o Entertainment Press.
Tinanong namin si Dennis kung ano ang mararamdaman sakaling si Tom ang manalo?
“Kung sinuman ang manalo sa aming dalawa, magiging masaya ako. Hindi magiging isyu sa amin ni Tom ‘yun deserving din naman siya manalo sa category na ‘yan dahil magaling siya as Vincent,†sagot ni Dennis.
Sa March 21, sa Teatrino sa Greenhills gagawin ang awards night ng Golden Screen TV Awards.
Anyway, sa Sabado na mapapanood sa Magpakailanman ang Mandirigma episode tampok sina Dennis at Tom at gaÂÂgamÂpanan nila ang karakter nina Eduard Folayang at Mark Sangiao na mixed martial artists.
After ng Magpakailanman, sunod na mapapanood si Dennis sa Lenten Special ng APT Entertainment na airing sa Black Saturday at may title na Nang Ako’y Iniwan Mo. Kasama niya rito si Julia Clarete sa direction ni Jun Lana. Last Sunday nag-taping sina Dennis at Julia.
Nabanggit din ni Dennis na two movies ang naka-line up niyang gawin this year. Ang isa ay under Reality Entertainment at under Direk Erik Matti raw at ang isa’y sa Regal Entertainment at ang alam ng aktor, si Maja Salvador ang leading lady niya at si Dondon Santos ang director.
Gary may celebration sa pagiging diabetic
Two nights gagawin ang major concert ni Gary Valenciano to celebrate his 30 years in the entertainment industry. Naka-schedule sa April 11 and 12 sa Smart Araneta Coliseum ang concert billed ARISE Gary V 3.0.
Very special ang ARISE Gary V 3.0 dahil hindi lang 30 years of hits, but also a celebration of 35 years of complication-free Type 1 diabetes.
Last year pa nabanggit ni Gary ang anniversaÂry concert niyang ito at marami siyang plano para maÂpaiba sa mga nakaraan at una niyang concert. Ang hindi nito masabi ay kung 30 ang guests niya at ang sabi lang, baka abutin ng four hours ang show kung ganu’n karami ang guests.
Alden naunahan ang ibang aktor kay Nora
Kundi pa namin nabasa ang post ni Alden Richards sa InsÂtagram at ang picture nilang magkayakap ni Nora Aunor, hindi pa malalamang gumawa siya ng short film kasama ang Superstar sa direction ni Adolf Alix Jr.
Kasama sa picture ang post ni Alden na “Isang malaking karangalan makatrabaho ang nag-iisang Superstar. Salamat po sa pagkakataon.â€
Pinamagatang Kinabukasan ang short film na hindi sinabi kung kailan ang showing at kung sino ang iba pang kasama sa cast.
Natuwa at kinongratulate si Alden ng kanyang fans at folloÂwers dahil after Marian Rivera na kapareha niya sa Carmela, si Nora naman ang kanyang nakatrabaho.