Ginagawa nang katatawanan ang mga rape case laban kay Vhong Navarro.
Kumakalat ngayon ang litrato ng character actress na si Lilia Cuntapay na may caption na biktima rin ito ng rape, twenty years ago, pero ngayon lamang siya lumantad dahil naging inspirasyon daw niya sina Deniece Cornejo at Roxanne Cabañero.
Alarming ang pagkalat ng picture dahil isang maselan na usapin ang rape pero joke ito para sa ibang mga insensitive na tao.
Cast ng isang show malungkot, programa nila titigbakin na agad-agad
Sad ang cast ng isang TV show dahil malapit nang matsugi ang kanilang programa.
Ang mababa na viewership ng TV show ang one and only reason kaya nag-decide ang management na huwag nang patagalin pa ang programa.
Aljur subok nani Direk Dondon
Si Dondon Santos ang direktor ng Kambal Sirena ng GMA 7.
Subok na ang husay ni Dondon dahil siya rin ang direktor noon ng Indio, ang epicserye ni Bong Revilla, Jr.
Si Louise delos Reyes ang lead actress ng Kambal Sirena. In good hands si Louise dahil magaling ang direktor niya.
First time na nakatrabaho ni LouisÂe si Dondon pero tiyak na magkakasundo sila.
Si Aljur Abrenica naman ang leading man niya. Gamay na ni Aljur si Dondon dahil ito ang namahala noon ng Indio.
Tirso Cruz pinagsamantalahan ng nagpa-picture
May paglilinaw si Lynn Cruz tungkol sa litrato ng kanyang asawa na ginagamit sa advertisement ng isang kompanya.
Si Lynn ang may-bahay ni Tirso Cruz III at siya ang nagbigay ng warning sa ibang mga artista para hindi na maulit ang karanasan ng kanyang mister. Ito ang kuwento at clarification ni Lynn:
“Para sa mga nagtatanong po, my husband Tirso Cruz III never signed up and is not a member of The Filipino Dream nor did he sample their product.
“There was just this group in a coffee shop in Taal Batangas during a taping break who asked for a picture with him with a document, their product and juice on the table and posted the photo and captioned it welcoming Tirso in their networking company and sarap na sarap daw siya sa juice.
“Just have to be careful next time pag may nagpapa-picture. Spoke to the person who did that and he apologized already. Pero ‘yung picture that was posted marami nang nakakita and even shared it to others. Hope this make things clear.â€
Malinaw na naging biktima si Tirso ng pagsasamantala.
Puwedeng-puwede siya na magÂreklamo o magsampa ng kaso dahil sa walang pahintulot na paggamit sa kanyang litrato.