Piolo nakabawi na!
Sobrang nakabawi si Piolo Pascual sa pelikulang Starting Over Again na unang tambalan nila ni Toni Gonzaga kung saan din kasama si Iza Calzado na idinirek ni Olive Lamasan.
Nagmula si Piolo sa mga mahihinang pelikula at TV project kaya na-vindicate siya sa Starting Over Again na patuloy pa ring sinusuportahan sa box office ng mga manonood.
Kung magpapatuloy ang lakas ng pelikula, malamang na ito ang maka-break sa existing box-office record na hawak din ng Star Cinema.
Parang nag-ipon lamang ng lakas si PJ (palayaw ni Piolo) bago ito bumulusok nang husto. Ito rin bale ang biggest hit movie ni PJ sa kanyang entire showbiz career.
Ang maganda kay PJ, never itong nagbago at yumabang and stayed grounded up to this day.
Sitcom balik-eksena na
Unti-unti na namang bumabalik sa ere ang mga sitcom. May Vampire ang Daddy Ko na pinagbibibidahan ni Vic Sotto sa GMA, may Madam Chairman na papalitan ng Confessions of a Torpe ng TV5, at nagkaroon ng Toda Max ang ABS-CBN bago ito pinalitan ng My Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.
Kung matatandaan pa, matagal umere ang mga sitcom noon tulad ng John en Marsha, Home Along da Riles, Iskul Bukol, Okay Ka, Fairy Ko, Chicks to Chicks, Palibhasa Lalake, at maraming iba pa.
Pang-balanse ang sitcoms sa patuloy na lumalaganap na mga teleserye sa telebisyon.
Tatlong direktor nagpapa-workshop
Ipinaaalam ng aming kaibigan at kasamahan sa PAMI (Professional ArÂtists Managers of the Philippines, Inc.) na si Manny Valera na may ongoing workshop ang DMV House of Acting and Performing Arts (a satellite school of Pink Toes) at ito’y bukas para sa acting, classical ballet, zumba, hip-hop, ballroom, modern dance, piano, violin, voice, guitar, taekwondo, painting, at studio rental. Ito’y matatagpuan sa Sct. Magbanua corner Roces Avenue, Quezon City with telephone numbers (632) 374-1361, 861-8586.
Si Direk Lore Reyes ang mangunguna sa acÂting workshop sa tulong nina Direk Joel Lamangan at Direk Mel Chionglo. Pamamahalaan naman ng dance diva na si Geleen Eugenio ang modern dance, ni Lyn Tamayo para sa zumba, at si Tony Tamayo sa singing habang ang classical ballet ay pamamahalaan naman nina Angela Sebastian at Jeiel Hernandez.
- Latest