Callalily, Barangay Ginebra Kings dadayo sa Ginuman Fest sa Calamba
MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na opening leg sa Tondo ay darayo naman ang Ginuman Fest 2014 sa Calamba, Laguna sa darating na Pebrero 28.
Masasaksihan ng mga kabarangay ang banda na Callalily at makakasalamuha rin ng mga fans sina Japeth Aguilar, Dylan Ababou, JayR Reyes, at Brian Faundo ng Barangay Ginebra Gin Kings sa Plaza sa Barangay Real.
Kamakailan ay napuno ang parking grounds ng Tutuban Center sa Tondo kung saan halos 15,000 na mga kalahi ang nakisaya buong gabi kasama ang mga brand ambassadors ng GSMI na kinabibilangan nina 2014 Ginebra caÂlendar girl Marian Rivera, Solenn Heussaff, Jhong Hilario, Callalily, Rocksteddy, at The Itchyworms.
Sa Calamba ay makakasama ng Callalily ang Banda ni Kleggy at ang all-girl group na PYT Sassy Girls. Ang kabuuan ng lahat ng Ginuman Fest events ay inaasahang hahatak ng higit sa isang milyong katao, higit pa sa nakaraang taon.
Ang Ginuman Fest 2014 ay hindi lamang isang musical event dahil marami rin itong mga palaro na may kaukulang papremyo. Maaaring tikman at makabili ng mga produkto ng Ginebra San Miguel, Inc. gaya ng GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Brandy, Antonov Vodka, Magnolia Healthy Beverages, at ang flagship product na Ginebra San Miguel gin. Ipinagdiriwang ng flagship brand ang ika-180 taong anibersaryo sa taong ito.
Bibisita rin ang Ginuman Fest 2014 sa Imus, CaÂvite (Marso 8), San Fernando, La Union (Marso 15), Calapan, Mindoro (Marso 21), Batangas City (Marso 29), Tagudin, Ilococ Sur (Abril 4), Bayambang, PangaÂsinan (Abril 5), San Jose, Nueva Ecija (Abril 11), Cauayan, Isabela (Abril 12), Baliuag, Bulacan (Mayo 9), Bayombong, Nueva Vizcaya (Mayo 17), Tuguegarao, Cagayan Valley (Hunyo 14), Daet, Camarines Norte (Hunyo 19), at San Juan, Metro Manila (Hunyo 21).
Ang Ginuman Fest 2014 ay isinagawa ng GSMI upang pasalamatan ang mga milyun-milyong mga kalahi na tumatangkilik sa Ginebra San Miguel bilang pinakamabiling gin sa buong mundo.
- Latest