^

PSN Showbiz

Mark maliwanag ang ginawang pagtataksil

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Buti na lang at walang girlfriend si Mark Herras na masasaktan at siguradong maaapektuhan ng labis sa pag-amin niyang may anak siya sa handler niya na may limang taon ang tanda sa kanya. Matagal nang umiikot ang balitang ito pero palaging itinatanggi ni Mark sa takot na maapektuhan ang kanyang career. Nakonsensiya siya kaya’t umamin na.  Pero, tama lang na mag-sorry siya kay Ynna Asistio dahil maliwanag na pinagtaksilan niya ito!

Anne binigyan ng ultimatum ang BF

Wala namang layuning manakot si Anne Curtis nang sabihin niya na kapag hindi pa siya pinakasalan ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff pagtuntong niya ng edad 32, tatlong taon mula ngayon ay maghihiwalay na lang sila at iiwan na lang niya ito.

“Knows niya kung kailan ko gustong mag-asawa. Kapag lumampas pa run ay baka mahirapan na akong magka-baby. Kaya by that time at ayaw pa niyang mag-commit, goodbye na lang,” anang aktres sa pa-presscon ng kanyang teleseryeng Dyesebel.

Kay Solenn Heussaff pa nagmula na boto ang pamilya niya kay Anne. “She’s sobrang mabait,” papuri niya sa aktres. “And both of them are financially stable na. Both of them have successful careers. Erwan in managing his three restaurants and Anne her ac­ting career. It’s easy for them to have a family na,” dagdag pa ang equally successful woman.

Bonifacio ginawan ng sarsuwela

It was my first time na mapanood ang Bonifacio Isang Sarsuwela. Ginanap ito sa isa sa mga sinehan ng SM Centerpoint (Sta. Mesa).  Hindi na ako nag-inarte pa nang imbitahan ako ng isang kaibigan na samahan siya sa panonood ng isang obra ni Vince Tanada tungkol sa isa sa itinuturing nating bayani ng ating lahi na lately ay na­bigyan ng ibang pananaw sa isang pelikula  tungkol naman kay Gen. Emilio Aginaldo. Sa halip na pagmukhain siyang karapat-dapat sa paggalang at pagpapahalaga na ating ibinigay sa kanya sa loob ng maraming taon ay pinalabas pa siyang kontrabida at pinagdudahan ang kanyang pagkabayani.

Ang Bonifacio Isang Sarsuwela pays tribute to Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan at Ama ng Rebolusyong Pilipino, isang mangmang na lalaki na ang tanging layunin sa itinatag niyang Katipunan ay ang makamit ang kalayaan sa Espanya sa pamamagitan ng sandata­hang rebolusyon. Nagkataon lang na maging sa kanyang panahon ay hindi sila nagkaroon ng pagkakaisa at ang mga kasamahan niya ay nagkaroon ng paghahangad sa kapangyarihan na maaring mapasakanya kapag nagtagumpay siya.

Isa ‘yun sa bahagi ang ating kasaysayan na hindi mo kababagutan dahil sa isinalaysay na sinaliwan ng musika at sayaw. Pero para ma­­balanse ay nilagyan ng mga comic relief at madadramang mga eksena. Hindi ko nga napansin, napaiyak na pala ako. Puwede mo ring isipin na kapos sa budget ang produksiyon pero kung iba ang humawak malamang hindi naging matatag ng grupong Philippine  Stagers Foundation na maraming taon nang nagbibigay ng kaiga-igayang panoorin sa teatro tulad ng  Enzo Santo (2001), Ang Joe ni Josephine (2003), Desaparecidos (2003),  Ang Musa ni Pro­teus (2004), Desaparecidos, A Flipino Musical, The Rerun (2004), Chinoi (2006), Ang Makulay na Buhay ni Gandhi (2006), Troy Avenue (2009), Ako si Ninoy a Filipino Musicale (2009), Romeo Luvs Juliet (2009), Cory ng Edsa (2011) at marami pang iba.

Bukod sa kanyang trabaho sa teatro, isang guro si Atty. Tanada ng Labor Law, Philosophy and Humanities, Persons and Family Relations. Siya rin ang naglapat ng mga titik sa lahat ng awitin na ginawa ni Pipo Citra at itinampok sa palabas.

Ang mga bituing tampok sa Bonifacio Isang Sarsuwela na magkakaroon ng huli niyang pagtatanghal sa Marso 23 sa Adamson University ay binubuo nina Vince Tanada (Bonifacio),  Cindy Liper (Gregoria de Jesus) at ang alternate niyang si Cencherry Bagtas; Jordan Lagra (Emilio Aguinaldo at marami pang iba.

Pinoy may pagkakaabalahan na naman sa AI

May paglalaanan na naman ng pag-asa ang maraming Pilipino dahil isang FilAm na naman ang nakapasok sa  Top 13 ng American Idol  13. Siya si Malaya Watson, 16 na taong gulang mula sa Southfield, Michigan na tumutugtog din ng tuba sa iskwelahan na kanyang pinag-aaralan. Kapag nanalo ito ay tutulong siya sa mga nasalanta ng Yolanda.

 

A FLIPINO MUSICAL

ADAMSON UNIVERSITY

AMERICAN IDOL

BONIFACIO ISANG SARSUWELA

ISANG

NIYA

SIYA

VINCE TANADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with