^

PSN Showbiz

Nagpapasasa sa kaligayahan aktres at leading man ng isang serye magka-‘FB’

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mabuti’t natuloy na rin ang pagkakaroon ng concert ni Jonalyn Viray.

Dapat ay noon pa siya nabigyan ng sariling major solo concert dahil sa galing niya na laging napapanood sa Sunday All Stars (SAS).

Finally, meron na nga siyang Fearless na mapapanood sa Music Museum sa San Juan City sa Feb. 28.

Dito patutunayan ni Jonalyn ang galing niya dahil kakantahin niya ang mga awiting hindi pa niya nasubukang kantahin.

Gagawin niya sa stage ang  mga hindi pa niya nagawa sa SAS, kaya nga Fearless.

Special guests niya ang best friend niyang si Brenan Espartinez at kasama pa sina Kuh Ledesma, at Regine Velasquez.

PAK: Hindi Facebook ang ibig sabihin sa FB na turingan ng ilang mga nali-link sa showbiz.           

Buddy ang ibig sabihin ng B, at bahala na kayo mag-isip kung ano ang F.

Iyon daw kasi ang turingan ng aktres at ng leading man niya sa huling drama series na nagawa nila.

Hindi naman daw sila mag-on pero close sila at madalas silang nakikitang magkasama.           

Pero wala raw commitment sa isa’t isa basta masaya silang dalawa ’pag magkasama dahil nagagawa nila ang gusto nilang gawin.

BOOM: Nagpasalamat si Mark Herras sa fans niya at mga taong malalapit sa kanya na patuloy na sumusuporta sa kanya pagkatapos niyang aminin sa Startalk na meron na siyang anak sa pagkabinata.

Tatlong buwan na raw siyang binabagabag ng kanyang konsensiya dahil sa pagtago sa kanyang anak na si Ada. Matigas pa niyang itinatanggi kapag tinatanong siya tungkol dito kaya inamin na niya ito.

Pahayag ng Kapuso actor sa exclusive interview sa kanya ng Startalk:

“’Di ba sa totoo lang po, magulo ang isip ko, naging pasaway ako, naging magulo ang buhay ko?

 â€œNaalala ko ’yung pagmamahal ng magulang ko na ibinigay sa akin at na-realize ko na wala akong obligasyon kundi i-pass on ang love na ito kay Ada.

 â€œSa lahat ng nasaktan ko kasama na dun ang fans na buung-buo ang pagtanggap sa akin. Marami akong kasalanan pero ito lang ang masasabi ko, hindi ko kasalanan si Ada.”

 

ADA

BRENAN ESPARTINEZ

HINDI FACEBOOK

JONALYN VIRAY

KUH LEDESMA

MARK HERRAS

MUSIC MUSEUM

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with