Dalawang show ng GMA, magbababu na raw sa ere

Seen : Overacting ang fans ni Mark Herras na hindi matanggap na may anak sa pagkabinata ang aktor na hinahangaan nila. Dapat tanggapin ng selosang fans na may sari­ling buhay ang mga artista na kanilang iniidolo.

Scene : White shirt ang suot ni Mark Herras sa pre-recorded guesting niya sa Startalk noong Linggo. White symbolizes purity.

Seen : Lalong napansin ang height difference nina Isabel Oli at John Prats sa production number nila sa ASAP noong Linggo. In love, height doesn’t matter.

Scene :  Sina Rhian Ramos, Anne Curtis, Solenn Heussaff, Jake Cuenca, Dingdong Dantes, at Marian Rivera ang ilan sa maraming artista na nanood sa  7107 International Music Festival na dalawang araw na ginanap, February 22 at February 23 , sa Global Gateway Logistics City, Clark, Pampanga.

Seen : Excited mom si Amy Perez sa promenade night ng kanyang anak na si Adi noong Sabado. Personal na sinundo ni Amy si Adi sa prom night ng anak.

Scene :  Mapapanood si Iza Calzado bilang co-host ng It’s Showtime. Nagsi­mula kahapon ang stint ni Iza sa It’s Showtime dahil maghahanda na si Karylle sa nalalapit na pagpapakasal nito kay Yael Yuzon at busy na si Anne Curtis sa taping ng Dyesebel.

Seen : Ang balita na dalawang tele­serye ng GMA 7 ang agad na tatapusin at papalitan ng mga bagong drama series.

 

Show comments