^

PSN Showbiz

Hindi binibigyan ng trabaho Empress naiinip na sa Kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Walang proyekto ngayon si Empress sa Kapamilya Network at ngayong patapos na ang kontrata niya sa susunod na buwan ay mayroon na raw mga alok ang aktres mula sa ibang TV network.

“Honestly po, may offer. But since rito ako lumaki, mahal ko ang ABS (CBN), mahal ko sila, kaya lang may mga bagay talaga na hindi mo puwedeng ipagsiksikan. I gave them my loyalty, bata pa lang ako, rito na ako lumaki. Nandito ang pagmamahal ko, hinding-hindi mawawala ’yun. Pero bilang isang artista, may mga bagay na kailangan mong iwanan. May mga bagay na kailangan mong i-open,” paliwanag ni Empress. Pinag-uusapan pa raw ngayon kung ano ang plano ng ABS-CBN management para sa kanya.

“Nami-miss ko, hindi ko rin alam kung bakit wala pa or bakit medyo matagal. Pero siguro they have their own decisions, their own reasons, kung bakit wala. Siyempre that’s also for me to find out. Pero siyempre darating din sa time na maiinip ka, mag-iisip ka kung bakit gano’n,” pagtatapat ni Empress.

Pinag-iisipang mabuti ngayon ng aktres kung mananatili siya bilang isang Kapamilya.

“There’s no official decision yet, patapos na po ang kontrata ko next month. Kung may offer na may kasamang plano, opo naman. Kailangan may plano para sa ’yo, na meron silang gusto mangyari para sa ‘yo na hindi ka nila pababayaan. Ang question ko sa sarili ko, may plano ba sila?” giit pa niya.

Taong 2012 pa nagtapos ang huling teleserye na nagawa ni Empress na Mundo Man ay Magunaw kaya ngayon ay hinahanap-hanap na niyang gumawa muli ng isang soap opera.

“Isa siguro sa mga wish ko na magkaroon ulit ng sariling teleserye. Hindi ko alam kung anong plan nila. Hindi ko alam kung anong gusto nila for me or kung may ibibigay pa ba sila. Pero marami namang ibang opportunities sa ibang lugar. Kung wala talaga for now, siguro may times talaga na kailangan mong mag-move on. Or kung gusto pa rin naman nila mag-stay, napag-uusapan naman lahat,” pagtatapos ng aktres.  

Vice Ganda nagsikip ang dibdib sa litanya ni Toni

Hindi nakapunta si Vice Ganda sa premiere night ng Star­ting Over Again kaya noong Linggo ay nagpa-block screening ang komedyante kasama ng kanyang mga kaibigan sa Trinoma, Quezon  City. Napahanga raw si Vice sa pelikulang ito nina Toni Gonzaga, Iza Calzado, at Piolo Pascual.

“Nakakaiyak. Ang sikip sa dibdib. Ang ganda, sobrang ganda ng pelikula. Ang galing nilang tatlo. Bilin ko nga kay Toni, i-text sa akin ’yung linya niyang mahaba, sasabihin ko ’yun. ’Yung eksena nila ni Iza sa kitchen, sobrang ganda,” nakangiting pahayag ni Vice.

Labis naman ang pasasalamat ni Toni sa ginawang ito ng kaibigan.

“Na-touch nga ako kay Vice. Sabi nila, ‘O may block screening si Vice.’ Akala ko sinabi lang. Hindi ko akalain na magkakatotoo. First time na ginawa niya.          Puwede namang manood pero bonggang, bonggang pambawi ang ginawa niya. Grabe, na-touch ako!” pahayag ni Toni. Mahigit P300 million na ang kinita ng nasabing pelikula.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

IZA CALZADO

KAPAMILYA NETWORK

KUNG

MUNDO MAN

PERO

TONI

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with