Ex-gf ni Aiza tiboli rin na taga-showbiz ang ipinalit

SEEN: Nakatutok ang GMA 7 management sa magiging epekto ng pag-amin ni Mark Herras sa pagkakaroon nito ng anak. Napapanood si Mark sa Rhodora X, ang primetime show ng GMA 7.

SCENE: Dinayo kahapon ng mga turista ang Panagbenga Festival parade sa Baguio City. Mainit ang pagtanggap ng mga tao sa float na sinakyan nina Alden Richards at Marian Rivera, ang lead stars ng Carmela.

SEEN: Iniyakan ni Vice Ganda ang nangyari sa kanila ni Karylle. Hindi komportable si Karylle kapag magkasama sila ni Vice Ganda sa It’s Showtime dahil hindi na siya masyadong nakikipagbiruan sa kanyang co-host.

SCENE: Nagsalita at pinatunayan ni Vice Ganda na magkasama sila ni Vhong Navarro sa kanyang show sa Kawit, Cavite noong gabi ng April 24, 2010, ang petsa na sinasabi ni Roxanne Acosta Cabañero na pinagsamantalahan siya ni Vhong sa Pasig City.

SEEN: May iba nang karelasyon si Chen Sarte, ang ex-girlfriend ni Aiza Seguerra. May koneksiyon din sa showbiz ang current inspiration ni Chen na matagal nang naka-move on sa break up nila ni Aiza.

SCENE: Binigyan ng stan­ding ovation si Rachelle Ann Go sa kanyang Broadway medley sa send-off concert niya sa Meralco Theater sa Pasig City noong Sabado.

Show comments