Luis at Angel panay ang yakapan

Nag-trending sa social media ang final episode ng daily morning game show na Minute to Win It hosted by Luis Manzano at kung saan niya special guest ang nakabalikang girlfriend na si Angel Locsin last Friday, Feb. 21. Umabot si Angel sa Level 7 ng game at nakakuha siya ng P150,000 cash prize. Sa ika-anim na level, bukod sa P100,000 cash prize, sinabi niyang kapag nakumpleto o nakuha niya ang Level 6, ibibigay niya ang kanyang matamis na “oo” kay Luis at patawa naman ng TV host-actor na kapag hindi raw nakuha ay siya na mismo ang magbibigay nito kay Angel.

Sa kabuuan ng programa, kitang-kita pareho sa dalawa ang pagiging inspired and in love na personal mismong nasaksihan ng mga tao sa loob ng studio at ng mga televiewer na talagang tumutok up to the end of the show. Panay ang yakap at halik ni Luis sa noo ni Angel at nang makuha ni Angel ang Level 7, tumakbo ito kay Luis at napayakap nang husto sa nobyo sa sobrang tuwa.

Sa pagtatapos ng programa, hindi napigilan ni Luis ang maluha habang siya’y nagpapasalamat at nagpapaalam. Tumagal din sa ere ang Minute to Win It ng mahigit isang taon.

Through the years ng pagho-host sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN, na-hone na talaga ng binata ng estranged couple na sina Batangas Gov. Vilma Santos at Edu Manzano ang pagiging isang mahusay na TV host na namana niya siyempre sa kanyang equally popular parents.

Show comments