Showtime hindi nawawalan ng indulto!

Sana matapos na at ma-settle ang isyu kina Vice Ganda at Karylle. Sa indulto na nararanasan ngayon ng show na nagsimula sa intriga kina Billy Crawford at Coleen Garcia na ngayon ay nauuwi na sa totohanang love story, ang natapos na is­u ng pananampal ni Anne Curtis, ang inabot na bugbog na nauwi sa kaso ni Vhong Navarro, at ngayon naman ang tampuhan nina Vice at Karylle na dapat ay maayos nila dahil kung hindi ay baka makaapekto ng malaki sa It’s Showtime.

Kalimutan na nila ang isyu, magbati-bati na la­mang sila dahil may mga trabaho sila na dapat gam­panan. At sigurado ako, pare-pareho nilang kaila­ngan ang programa. Hindi madali ang pinagdaanan ng show para nito ma­abot ang kinalalagyan niya ngayon. Pababayaan na lang ba nila ito nga­yon?

Show comments