^

PSN Showbiz

Pero may sablay sa ‘rape’, Roxanne mas palaban kay Deniece!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN :  Si Gui Adorno ng Portugal ang nanalo kahapon sa You’re My ForeigNoy Contest ng Eat Bulaga. First runner up si James Sumner ng England at 2nd runner up si Diego Furroni ng Italy.

SEEN : “Out of Place” si Wally Bayola sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga. Napapansin na ilang sa pagkilos at hindi  masyadong nagsasalita si Wally na tila nahihirapan na bumuwelo  dahil dala-dala pa rin niya ang trauma na dulot ng sex video scandal nila ng former EB Babes dancer na si Yosh Rivera.

SCENE : Nagtatampo si Cedric Lee sa ABS-CBN dahil sa paglalabas ng network ng mga balita tungkol sa kanyang mga negos­yo at koneksyon mula nang aminin niya ang pambubugbog kay Vhong Navarro. Hindi dapat magtampo si Cedric dahil factual ang mga report ng ABS-CBN at  karapatan ng taumbayan na malaman ang pinanggagalingan ng kanyang kakaibang tapang.

SEEN : Walang naniwala sa paliwanag ni Cedric Lee na naghaharutan lamang sila ni Deniece Cornejo sa CCTV footage na nagpakita sa kanya na hinahalikan ang leeg ng dalaga.

SCENE : Mas palaban at matapang si Roxanne Cabañero kesa kay Deniece Cornejo. Si Roxanne ang babae na nagreklamo ng panggagahasa laban kay Vhong Navarro pero kailangan niyang patunayan na talagang magkasama sila ng TV host/comedian noong gabi ng April 24, 2010.

SEEN : Dinagsa ng book lovers ang book signing kahapon ni Mitch Albom sa Glorietta Activity Center. Si Mitch ang author ng mga best-selling book na Tuesdays with Morrie at  The Five People You Meet in Heaven.

CEDRIC LEE

DENIECE CORNEJO

DIEGO FURRONI

EAT BULAGA

FIVE PEOPLE YOU MEET

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

JAMES SUMNER

MITCH ALBOM

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with