Happy si Solenn Heussaff dahil kahit hindi siya ganun kagaling mag-Tagalog ay marami siyang nakukuhang projects. Okay ito sa mga commercial na Ingles o Taglish ang mga dialogue pero in demand din siya sa TV na Tagalog ang binabanatan niya. Pero hindi ito sapat para makampante siya. Nag-aaral pa rin siya para maging mas matatas pa sa Tagalog dahil gusto niyang makagawa ng mga seryosong proyekto na hindi pupuwede ang kaunting kaalaman niya sa Tagalog.
Halata pa rin kasi ang French accent niya kaya puspusan talaga ang pag-aaral niya para maging mas mahusay pa sa Tagalog.
Nakaka-apat na taping day na si Solenn sa Adarna ng GMA. At kahit inilagay siya sa serye nang halos magtatapos na ito ay wala siyang tutol.
“Gusto ko matuto lang kaya kahit anong role, okay sa akin,†sabi ng Fil-French na multi-talented.
Pinaka-importante talaga sa kanya ang matuto at maging matatas sa ating wika. Dahil gusto niyang tumanggap ng lead roles pero alam naman niya na hindi ito mangyayari kapag nangangapa lang siya ng Tagalog.
Solenn has been in a relationship with a non-showbiz guy. They spent Valentine’s Day with a dinner sa bahay ni Anne Curtis.
“Mahal na mahal ko si Anne because she’s so mabait. Game siya sa lahat ng bagay. Alam ko na mahal din siya ng brother kong si Erwan (Heussaff),†sabi pa ng model-TV-host-actress.
Natuto na si Solenn nang malooban ang bahay niya kamakailan. Nagpalagay na siya ng CCTV cameras, electronic na rin ang fence niya, at may baril na siya! Pero itong huli ay may duda siya kung magagamit niya. Natatakot siyang baka makapatay siya, kaya baka manaksak na lang siya next time na may magtangkang muli ng masama at pasukin ang bahay niya.
Benjamin naiinggit sa pelikula ni Piolo
More than ever kapag nakakausap mo ng matagal si Benjamin Alves at saka mo lang mapapansin ang malaking pagkakahawig nila ni Piolo Pascual. Hindi mo nga aakalain na pamangkin lang siya dahil marami silang mannerisms na magkatulad at pareho silang tumawa at mag-react sa mga biruan.
Kahit pareho silang artista, walang kumpetisyon sa pagitan nila. Iginagalang ni Benjamin ang pagiging senior ni Piolo at bilib na bilib siya sa talento nito na kinabibiliban din ng maraÂming tagasubaybay sa telebisyon.
“Andun ako sa premiere night ng StarÂting Over Again at humanga ako sa ganda ng movie at sa naging performance niya, ang gÂling,†papuri niya.
Wish niya ay mabigyan din siya ng opportunity na makagawa ng ganung project in the future. Pero I reminded him na maganda rin ang naging role niya sa indie film na Sana Dati with Lovi Poe. It may not be as successful as StarÂting Over Again pero mag-kasing ganda ang istorya ng dalawang pelikula. Pero siguro hindi pa ngayon dahil kung ang role niya sa Adarna ang pagbabasehan, nararamdaman niya na papunta na sa pagiging kontrabida ang role niya sa serye.
Walang naka-Valentine date si Benjamin but he sent Sheena Halili flowers. Wala silang relasyon bukod sa pagiging friends pero ang flowers ay simbolo na tini-treasure niya ang kanilang friendship. Hindi lang naman si Sheena ang tumanggap ng bulaklak mula sa kanya, pinadalhan din niya si Direk Gina Alajar.