Mga empleyadong nagbanta ng strike, inayos na ng TV5

All’s well that ends well sa pagitan ng pamunuan ng TV5 at ng employees union (ABC Employees Union) ng nasabing TV network na nagkaroon ng maayos na dayalogo at pagkakasundo nung February 19 na ginanap mismo sa bagong tanggapan ng Kapatid Network sa Mandaluyong City kaya hindi na matutuloy ang bantang strike ng nasabing employees union.

Base sa demand ng ABCEU, nagkasundo ang magkabilang panig sa P3,000 wage increase, P20,000 signing bonus, 14th month pay at rice incentive na nagkakahalaga ng P1,300 buwan-buwan.

Bago ang dialogue between TV5 management at ng kanilang employees union, nag-extend ang TV network ng early retirement sa marami nilang empleyado at marami ang nag-avail dito.

Vice Ganda pinagselosan ng magiging mister ni Karylle

Nag-host si Vice Ganda ng thanksgiving party para sa entertainment press  last Wednesday evening. Si Vice Ganda ang may hawak ng may pinakamala­laking kinitang pelikula  sa 2013 MMFF para sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Natalo pa nito ang mga nauna niyang pelikula.​

Next Wednesday ay nakatakdang umalis si Vice Ganda for a two-week concert tour sa Amerika kung saan niya magiging special guest ang ex-PBB grand winner na si Ejay Falcon.  Inamin ng singer-comedian-TV host na naging crush niya si Ejay pero nang ito’y kanyang maging kaibigan  ay nawala na umano ang kanyang pagnanasa sa aktor.  Hindi raw siya kumakatalo ng kaibigan.  Si Ejay ay kasama niya sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy. 

Ang maganda kay Vice Ganda, napaka-transparent niya.  Hindi siya ang tipo na magsisinungaling laluna na sa mga isyu na kanyang kinasasangkutan tulad na lamang ng kanilang `gap’ ngayon ng isa sa mga kasamahan niya sa It’s Showtime na si Karylle.

Ikinuwento ng buong-buo ni Vice Ganda ang mga pangyayari kung paano nagsimula ang lahat. Nagsimula umano ito nang hindi dumating si Karylle sa thanksgiving party ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy kung saan halos lahat ng mga taga-It’s Showtime ay naroon at bukod tanging si Karylle ang hindi nagpunta. 

Habang nagsasalita si Vice Ganda ay ramdam namin ang kanyang sama ng loob kay Karylle na nagpadala na umano ng bulaklak at apology letter sa kanya last Wednesday.​

Dahil mahal niya si K bilang kaibigan at kasamahan sa trabaho, ayaw niyang magtago ng kanyang nararamdaman at ayaw umano niyang magpaka-plastic. Aminado rin si Vice Ganda na may ilangan factor pa sila ni Karylle.

Hiningan din ng komento si Vice kung siya’y dadalo sa kasal nina Karylle at Yael sa isang buwan. Although he wishes them well, ayaw niya raw makipag-plastikan at pilitin ang kanyang sarili.

​Dahil sa naging rebelasyon ni Vice, dadalawa lamang ang puwedeng mangyari, ang tuluyang masira ang pagkakaibigan nila ni  Karylle o muling  pagkakasundo ng dalawa lalupa’t nagpadala na si Karylle ng bulaklak at apology letter kay Vice Ganda.

Show comments