MANILA, Philippines – Nakilala na ang babaeng nagreklamo ng panibagong kasong panggagahasa laban sa TV host at artistang si Vhon Navarro.
Ayon sa ulat ng DZMM, isang Roxanne Cabañero y Acosta ang umano’y ginasaha ni Navarro noong 2010, ayon sa kanyang abogadong si Virgilio Batalla.
Kaugnay na balita: Bagong rape complainant vs Vhong lumutang
Pormal na inireklamo ni Acosta si Navarro sa Pasig City Prosecutor's Office kahapon kasama si Batalla.
Sinabi ng abogada na tubong-Cebu ang kanyang 24-anyos na kliyente.
Dagdag ni Batalla na lumapit sa kanya si Acosta upang humingi ng tulong makasuhan si Navarro.
Kaugnay na balita: Vhong ‘di ikinagulat ang bagong rape case
Miyembro si Batalla ng Lingap Pinoy Foundation na tumutulong sa mga Pilipinong walang kakayanang kumuha ng abogado.
Inamin ng abogado na wala siyang alam kung magkakilala ba ang kanyang kliyente at ang mga unang nagreklamo kay Navarro na sina Cedric Lee at Deniece Cornejo.
"Wala tayong impormasyon na ibinigay sa aking kliyente nang siya'y dumulog sa ating opisina para humingi ng tulong," sagot ni Batalla.