MANILA, Philippines - Sa edad ba nakikita kung tapat ang magiging pag-ibig ng isang tao?
Bata pa si Carmelita nang mabiyuda siya sa kanyang asawa. Ngunit dahil may mga anak naman siyang aalagaan at mamahalin, hindi na siya naghanap ng iba pang lalake. Kuntento na siya sa kung ano ang mayroon siya sa buhay.
Hanggang sa makilala niya si Jonathan.
Bagong salta si Jonathan sa lugar nila. Nagkagusto sa anak ni Carmelita na si Liezl. Nahulog ang loob. At nadurog ang puso nang piliin ni Liezl ang mamuhay sa ibang bansa para kumita ng mas malaking pera. Pero dahil nagkaroon rin ng pagtingin si Liezl kay Jonathan, ibinilin niya ito sa ina niya… kay Carmelita.
Sa hindi inaasahang pangyayari, mahuhulog ang loob ni Carmelita kay Jonathan. At ganoon rin ang binata. At dahil sa agwat ng kanilang edad, masama ang tingin sa kanilang pareho ng mga taong nakapalibot sa kanila:
Matrona ang tingin kay Carmelita, na hindi na nahiyang pumatol at mag-take advantage sa lalakeng puwede nang ituring na sariling anak. At oportunista naman ang tingin kay Jonathan, na pera lang raw ang habol sa mas nakatatandang babae.
Hindi ba puwedeng maging totoo ang pag-iibigan ng dalawa?
Ngayong Sabado, alamin ang kuwento ng pag-ibig nina Carmelita at Jonathan. Kung paano sila nagkagustuhan, at kung paano nila hinarap ang challenges ng pag-ibig na walang tinitingnang edad; kung paano nalaman ni Carmelita na totoo ang pagtingin sa kanya ni Jonathan, at kung paano ipinaglaban ni Jonathan ang pagmamahal ng kanyang “Cougar Mom.â€
Mula sa panulat ni Michiko Yamamoto, sa pananaliksik ni Cynthia delos Santos, at sa direksyon ni Andoy Ranay. Itinatampok sa My Love Forever sina Jaclyn Jose as Carmelita, Ruru Madrid as young Jonathan, Mike Tan as old Jonathan, Ashley Nordstrom as Liezl.