Nagulat ang mga nakabasa sa Instagram post ng sister ng isang aktres na ikinasal kamakailan. Tila may bahid nang hindi pagkakasundo ang magbayaw o maghipag sa nakakaintrigang post ng “There’s no denying she makes a stunning bride if only the groom matched her calibre.†Ang hashtag na ginamit ay #breathtakinglybeautiful.â€
May mga nag-comment na hindi maganda ang pinost ng sister ng bride, pero ang sagot nito ay “truth hurts.â€
Sa post na ito ng sister ng bride, gustong malaman ng mga nakabasa kung may isyu ang aktor at sister-in-law niya? Also, alam kaya ito ng misis ng aktor at ano ang kanyang reaction? Nakarating na rin kaya ito sa aktor?
Alex Medina may kaaway
Masaya pa si Alex Vincent Medina nang makausap namin sa presscon ng Third Eye, his first mainstream movie under Regal Entertainment. Kinahapunan, iba na ang mood ng magaling na aktor at batay ito sa tweet niya tungkol sa kaibigang may crab mentality. Gamit ang hashtag na #kungganunditalagasigurokaibigan.
Ano kaya ang ginawa ng kaibigan ni Alex sa kanya para mag-tweet ng “deadly talaga ang mga talangka lalo na ‘pag kaibigan mo!â€
Anyway, husband ni Camille Prats ang role ni Alex sa Third Eye na opening sa February 26, sa direction ni Aloy Adlawan. Sinabi nito kung ano ang kanyang role, pero ‘di muna ipinasulat. Limited ang speaking lines niya at isa ito sa challenge sa kanya, kung paano ipapakita ang acting na hindi nagsasalita.
Gaya sa mga kasama, first time rin ni Alex na maidirek ni Aloy at pinabilib siya sa husay nito at mabilis magtrabaho.
Wala nang kontrata sa ABS-CBN si Alex, kaya nakakapag-guest siya sa GMA News TV at kasama sa cast ng Pretty Little Liars ng TV5 sa role ng isang pulis.
Nasa cast din siya ng movie ni Jerrold Tarog na Juan Luna na bida si John Arcilla. Role ni Jose Bernal ang gagampanan niya. Sa Ilocos ang shooting nila at sa ngayon, nagho-horseback riding lesson na siya.
Mga kanta sa aba…swak na swak
Nag-enjoy kami sa ABNKKBSNPLAKo?! at swak sa cast ang kani-kanyang karakter na ibinigay sa kanila. Magagaling pati ang mga batang gumanap na young Jericho Rosales, young Meg Imperial at young Vandolph at makaka-relate ang students.
Nakadagdag sa ganda ng movie ang songs na ginamit na sana ginawan ng OST o Original Soundtrack dahil maganda and brings back good memories. Kaya naman tawa nang tawa ang mga estudyanteng kasabay naming nanood sa premiere night.
Narinig namin ang mga kantang High School Life ni Sharon Cuneta, Friend of Mine ni Odette Quesada, Before I Let You Go ng Freestyle at On the Right Track ni Martin Nievera. Maganda rin ang theme song ng movie na Tuloy Pa Rin na original ng Neocolours.
Showing na ngayon ang pelikulang katutuwaan at magugustuhan ninyo at makiki-sing-along pa kayo.
Solenn nabitin sa pagiging ibon
Kahit si Solenn Heussaff nabitin tiyak sa labas niya sa Adarna dahil sa last three weeks na lang lumabas ang karakter niyang si ibong Adarna at ang human na si Danaya. Enjoy pa naman ito sa karakter niya na naka-costume, kumakanta ng malalim na Tagalog at location ng taping niya sa Subic.
Natutuwa rin ito na mabait ang karakter niya sa Adarna, hindi siya magagalit, walang kissing scene at love scene, pero magkakagusto kay Migo (Geoff Eigenmann) at makakaribal ni Ada (Kylie Padilla).
Dahil pala sa malalim na Tagalog sa script niya sa Adarna, gustong balikan ni Solenn ang Tagalog lesson niya. Paghahanda na rin niya ito sa mga future projects pa niya sa GMA 7 lalo’t kare-renew lang niya ng kontrata.