Tom at GF magkasama na sa isang ‘bubungan’

Kapuso na rin pala ang girlfriend ni Tom Rodriguez na dating Kapamilya at nadiskub­re sa isang patimpalak na isinagawa ng ABS-CBN. Kaye ang pangalan niya at napanood na siya sa isang programa ng GMA. Dating K-La Rivera.

Masuwerte si Kaye dahil magkasama na sila ng network ni Tom. Magaling naman siyang singer pero sa rami nilang marunong kumanta sa kabila, talagang mahihirapan siya.

 

Pagdating ni Mat, inaabangan

Marami na ang nag-aabang sa pagdating ni Mat o Archie Ranillo III. Nasangkot ang pangalan nito sa kaso ng pork barrel. Siyempre, interesado ang Pinoy na malaman ang lawak ng pagkakasangkot niya sa isyu.

Willing namang bumalik ang aktor para maka­pagbigay-linaw sa kaso. Makatulong kaya siya sa mga nasasangkot o baka mas madiin pa sila sa pagdating niya?

 

Jenny mas maganda sa anak

Hindi naman mas mukhang nanay pa ang hitsura ng anak ni Jenny Syquia na si Cloie na kasama   niyang naging cover ng isang magasin. Ano ba naman kayo eh, hindi naman ito totoo?!

Kitang-kita naman ang kabataan ng anak ni Jenny. Huwag naman kayong malupit. Puwede ko pang aminin na baka mas maganda ang nanay niya sa kanya pero kung mas mukhang matanda siya, hindi naman totoo!

 

Show comments