Dennis hindi na inaalam ang dagdag na TF sa Kapuso

Buking ni Dennis Trillo kung bakit masaya ang fans niya at TomDen fans nila ni Tom Rodriguez sa pagre-renew niya ng kontrata sa GMA Network at dahil ito sa hinihintay ng fans ang Book 2 ng My Husband’s Lover. 

Willing si Dennis na gawin ang Book 2 ng MHL at ang suggestion nito, prequel ang gawin para ipakita kung paano nagkakilala sina Eric (Dennis) at Vincent (Tom), ang high school days nila, kung saan may GF pa sila at kung kailan sila nagladlad. Ang dami pa raw puwedeng gawin sa story.

Babawi si Dennis sa tagal na hindi napanood sa TV dahil nag-taping siya kahapon sa The Ryzza Mae Show (wala pa lang airing date), magti-taping sila ni Tom ng Magpakailanman today and tomorrow ang schedule at wala pa ring airing date. Magsu-shoot din sila ni Tom ng TVC ng MyPhone at marami pang ibang gagawin.

Ibinalita rin ni Popoy Caritativo na tumawag na si Malou Choa-Fagar para muling pagbidahan ni Dennis ang Lenten Special ng TAPE Inc. Ang bilang ni Popoy, kundi pang-anim, pampito na itong pagbibida ng aktor sa Lenten Special ng TAPE Inc.

Excited si Dennis sa episode nila ni Tom sa Magpakailanman, kung saan, MMA o Mixed Martial Arts ang role nila ni Tom at madalas silang nakahubad. Hindi bading ang role nila, pero tiniyak na magugustuhan ng viewers.

Idinagdag pa ni Dennis na hindi importante ang amount na dagdag sa talent fee niya, ang importante, ramdam niya ang pagpapahalaga ng network sa kanya, ang value na ibinibigay sa kanya. Pero muntik na pala talaga siyang lumipat!

 

Kris sinaktan ng ‘manliligaw’

Two days lang nawala si Kris Aquino, pero ang daming isyu tungkol sa kanya ang pinag-uusapan. Tapos na ang isyung birthday greetings niya kay James Yap at ang makasama ni James sina Bimby at Joshua sa birthday nito.

Sigurado ring pagre-reakin si Kris na friend sina AiAi delas Alas at ang GF ni James na si Michaela Acazzolla dahil may isyung nagkatampuhan sina Kris at AiAi.

Nauna nang inamin ni Kris na walang nangyari sa bago niyang manliligaw. “Ang sad, it hurts, kasi ako ang nasabihan na ‘I never want to talk to you or text you for the rest of my life.’ That’s life. Kung pwede ko lang talaga ma-rewind at ma-edit kung ano ang nangyari. Nasabihan ako talaga. Kina-shocked ko talaga. ‘Yun din ang sinabi ko, ‘Ouch, how harsh.”

“Pero at least walang lokohan... Siguro grabe din ang nasabi ko. At least inaamin ko mayroon din akong fault,” sabi ni Kris na naunang ibinuko ni Vice Ganda na matalino at mayaman ang lalaki pero hindi guwapo.

 

Ejay nahihiya sa ‘nangyari’ sa kanila ni Sunshine

Sama-sama ang Kapamilya at Kapuso talents sa horror movie ng Regal Entertainment na Third Eye sa direction ni Aloy Adlawan at opening sa February 26. Maganda ang naging pagtatrabaho ng grupo at natapos ang pelikula ng walang problema at walang hassle.

Aminado si Ejay Falcon na kinabahan siya noong una lalo na kay Carla Abellana na first time niyang nakatrabaho at asawa pa niya ang role. Tapos kissing scene agad ang first scene nila, pero nang makausap niya sina Carla at Camille Prats na bata pa siya ay pinapanood na niya, nawala agad ang kaba ni Ejay.

Samantala, nakuwento ni Ejay na nahiya siya kay Sunshine Cruz noong ma-link silang dalawa dahil lang magkasama sila sa Galema. Mabuti raw at walang naniwala sa tsismis at hindi naapektuhan ang friendship nila ni Sunshine na “anak” pa naman ang tawag sa kanya.

 

Ogie may pa-golf

After ng Valentine’s Day concert, ang golf naman ang pagkakaabalahan ni Ogie Alcasid. Nag-iimbita na ito sa gagawing Ogie Cup 2014 sa March 10 sa Santa Elena Golf and Country Club. Ang entry fee na P4,000 ay kasama na ang green fees, golf cart, at giveaway.

Ang mga gustong sumali ay tumawag sa OPM Office (02) 633-0640. Hindi lang mga taga-showbiz ang welcome maki-golf, kaya sali na!

Show comments