Kris iniyakan ang mga pictures nina James at Bimby

Naging emosyonal si Kris Aquino nang makita ang larawan ng mga anak na sina Joshua at Bimby na kasama ang dating asawang si James Yap noong kaarawan ng basketball player. Nakasama ni James ang magkapatid noong Sabado habang nasa Singapore noon si Kris kasama ng ilang mga kaibigan. Feb.15 ang birthday ni James habang Feb. 14 naman si Kris. Sa programang Aquino & Abunda Tonight noong Lunes ay naibahagi ng Queen of All Media na nag-text si James sa kanya noong Biyernes.

“James actually text me and greeted me, deadma sa PPO (permanent protection order). Sinabi lang niya, ‘Happy birthday, Kris. Thank you for being the best mom to Bimby.’ ’Di ko alam number niya. So I said, ‘Who is this please?’ Then sinagot ako three hours after, ‘James.’ Then nag-reply ako, ‘Yap?’ Sorry ’di talaga ako sure. After that sabi niya, ‘Yes.’ So, sabi ko, ‘Alagaan mo ’yung dalawang bata and please huwag mong awayin kasi building bridges ito ngayon,” kuwento ni Kris.

“Honest to God, when the yayas were sending me all the pictures na noong silang tatlo magkakasama, nang tiningnan ko sila, and this was in Singapore, naiyak ako. Sa totoo lang kasi parang we took so long to reach this point for both of us and it took so long for me to feel comfortable already. Siguro all it took is for James to acknowledge na mabuting nanay talaga ako kay Bimb and no’ng ibinigay niya sa akin ’yon, handang-handa akong ibigay sa kanya na magkaroon sila ng magandang relationship,” dagdag ng aktres.

Nilinaw din ni Kris na hindi siya ang nagturo kay Bimby ng birthday wish para sa ama. “Tinanong pa nga niya kung ako nagturo doon sa ‘I hope you get married soon.’ Hindi, kay Bimb talaga nanggaling ’yon kasi nga we all have acceptance. And Bimb told me something wonderful kanina. ‘Mama, because you brought me home my games, I want you to be happy, you can already have boyfriend but no breaking up.’ Hindi ba ang cute kasi ang six-year-old gusto ng kaligayahan para sa dalawang magulang? ’Yun lang ang hiniling niya, huwag n’yo nang guluhin kung papasok kayo sa relasyon. Make sure for keeps,” paliwanag ng aktres.

 

Enrique mas maganda pa kay Julia sa tingin ni Marjorie

Malapit nang mapanood ang teleseryeng Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto. Sina Enrique Gil at Sam Concepcion ang makakapareha ni Julia kaya wala na raw mahihiling pa ang ina ng dalaga na si Marjorie Barretto para sa anak.

“How can you complain when they’re both very well-bred boys? Hindi sila ’yung cute lang. May breeding, polite, may pinag-aralan,” nakangiting pahayag ni Marjorie.

Ayon sa aktres, biniro pa raw niya minsan si Julia na mas maganda pa ang mukha ni Enrique kaysa sa anak.

“Sabi ko, ‘Julia, sobrang pretty ng face ni Enrique. Talung-talo ka,’” natatawang kuwento ni Marjorie. Reports from James C. Cantos

Show comments