MANILA, Philippines – Wala pang plano si Anne Curtis na lumagay sa tahimik sa piling ng kayang non-showbiz boyfriend na si Erwan Heussaff.
Sinabi ng pinakabagong “Dyesebel†sa isang panayam sa telebisyon na nais muna niyang mag-focus sa career.
“Wala pa sa isip ko, but if it happens, it happens. Maybe in three to four years,†sagot ni Anne.
“I’m not gonna peg na kailangan in four years, (dapat) propose. As of now, I think we’re both concentrating on our careers.â€
Pinabulaanan din niya ang mga kumakalat na tsismis na nagpakasal na sila ni Erwan sa Australia.
“Hindi pa ako nakakapunta ng Australia (ulit). Nakakatawa ‘yon, ni ‘di pa nga kami nakakaalis ng country (recently),†banggit ng “It’s Showtime†host.
Samantala, punong-puno ang schedule ni Anne ngayong 2014 dahil sa iba’t ibang projects na nakapila.
Kaugnay na balita: Anne ayaw patulan ang mga naiinggit sa Dyesebel, balik-Araneta at may bagong album pa!
Kabilang dito ang Dyesebel, new album, major concert, at dalawang pelikula.
“I’ll be everywhere again this year, whether people like it or not,†pabirong pahayag ni Anne na walang dudang Viva Artist Agency (VAA) superstar.