Sarah at Atty. Abrogar mag-uusap na!

PIK: Nilinaw ni Carla Abellana sa presscon ng pelikulang Third Eye ng Regal Entertainment, Inc. na wala silang gap ni Marian Rivera.           

Ang huling pagkikita raw nila ay sa burol ni Mang Gerry Velasquez at okay naman daw sila.           

Hindi rin siya naniniwalang fans ni Marian ang nagba-bash sa kanya sa Twitter pero nakasanayan naman niya ang mga basher at hindi na raw niya pinapansin.

“Yung bashing, sanay na tayo diyan. Kahit anong gawin natin lalabas at lalabas ’yan sila eh. They’re out there to haunt you,” pahayag nito.

PAK: Si Al Tantay na ang ipinalit sa role na Don Manolo sa Villa Quintana na iniwan ni Roy Alvarez.

Marami silang pinagpilian pero si Al ang napili nila dahil halos may hawig daw kay Roy.

Hindi kasi nila puwedeng tanggalin ang karakter ng nama­yapang aktor dahil sa main villain ito at malaki ang kinalaman sa takbo ng kuwento.

Sa Biyernes ay magsisimula nang mag-taping si Al sa Villa Quintana ng GMA 7.

BOOM: Marami ang na-disappoint sa one-on-one interview ni Butch Francisco kay Sarah Lahbati na lumabas sa Startalk nung nakaraang Linggo.

Tungkol sa relasyon nila ni Richard Gutierrez ang napag-usapan at hindi nasagot ang tungkol sa mas malaking isyung hindi pa niya nasagot.

Hindi pa raw talaga handa si Sarah sa mas mabigat na isyu, pero gusto na niyang bumalik sa trabaho.

Sa GMA 7 pa rin kaya si Sarah? Ang dinig na­ming ay nagpa-pictorial na raw ang aktres para sa GMA Artists Center pero wala pang may nagkumpirma mula sa kampo ng young actress.

Kahapon ang mediation nila ng kaso nila Atty. Annette Gozon-Abrogar pero ayaw pa munang magbigay ng impormasyon ang dalawang kampo dahil hindi pa raw tapos.

Magkakaroon uli ng isa pang mediation sa March 17 kaya mukhang maaayos din ito at malamang na doon na sila puwedeng magsalita.

Pero magkakaroon pa raw nang pag-uusap sina Sarah at Atty. Abrogar isa sa mga araw na ito.

 

Show comments