MANILA, Philippines - Limang malalaking project ang naka-line up para sa Viva Artist Agency (VAA) superstar, Anne Curtis. Siyempre nangunguna ang Dyesebel, new album, major concert, at dalawang pasabog na pelikula.
Kaya naman nag-uumapaw ang kaligayahan niya.
“I’ll be everywhere again this year, whether people like it or not,†malakas na tawa ng Princess of All Media na isa sa top celebrity endorÂsers ng bansa sa thanksgiving party kahapon with the entertainment press.
Nagsimula na siyang mag-taping para sa Dyesebel na nakatakdang magsimulang mapanood sa March. Ina-alternate ni Anne sa taping ng kanyang Kapamilya show ang shooting ng pelikulang The Gifted. Ang nasabing pelikula ang first movie since the blockbuster drama A Secret Affair from October 2012.
Reunion movie ito with her former No Other Woman co-star and kasamahan sa VAA Cristine Reyes at ang dati niya siyempreng “co-star†na si Sam Milby. The movie is set to hit the screens late summer.
At ang summer din ang grand return sa music ni Anne. Yup, magre-record na siya ng second album, follow up sa kanyang surprise platinum-selling debut album, Annebisyosa noong 2011.
Dahil may album, balik-Araneta siya para sa kanyang second major solo concert sa May. Yup, you read it right. During her thanksgiÂving party nga ay naririnig-rinig na kumakanta si Anne. Self-confessed non-singer si Anne pero jampacked ang kanyang Annebisyosa: No Other Concert noong 2012.
“As you can see my plate is so full in the next few months and I’ll be busier than I’ve ever been,†say niya.
Pero walang reklamo si Anne. Walang maririnig na emote sa kanya.
“These are all very worthwhile projects that I’m super excited about. I feel so blessed. Happy birthday indeed to me,†sabi ng Viva superstar.
Samantala, ayaw pumatol ni Anne sa mga intriga tungkol sa pagsisid niya sa Dyesebel. Ang importante, sa kanya pa rin napunta ang kontrobersiyal na title role at handa siyang gawin lahat para masuklian ang malaking pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng mga big boss ng ABS-CBN.
At any rate, hot item sa social media ang pinoste na litrato ng “best friend†niyang si Luis Manzano na kuha sa bonggang Rockeoke party ni Anne nung Linggo ng gabi.
Pero hindi ’yun ang dahilan ng pagiging hot nito kundi dahil kasama ni Luis sa picture ang GF na si Angel Locsin habang si Anne naman ay ka-join ang dyowa niyang si Erwan Heussaff.
Cute ang caption na inilagay ni Luis sa nasabing litrato: “The girlfriend, boyfriend, best friend, and best friend’s boyfriend.â€
Puwedeng title ng rom-com, ’di ba, na sila rin ang mga bida?
Happy 29th birthday uli Anne!
Martin nagpasalamat sa solo spot
Uy, buti naman at nagkaroon na ng solo spot sa ASAP 19 ang Concert King na si Martin Nievera.
Matagal-tagal ding namahinga si Martin sa pagkakaron ng solo number sa Sunday musical show ng ABS-CBN kung saan isa siya sa mga pioneer member. Kadalasan, kasama lang siya sa produÂction number.
Kaya naman kahit siya ay nagpasalamat sa kanyang Instagram account: “Hey to my ASAP19 Kapamilya, thank you so much for the solo spot kanina! Love you guys.â€
Aba… pinuri ng mga nakapanood na!
Showing na bukas, Wednesday, ang ABNKKBSNPLAko?! (Aba Nakakabasa Na Pala Ako): The Movie.
Pinupuri ang pelikula na in fairness ay talagang makaka-relate lahat ng mga manonood nito dahil sa mga pinagdaanan nila noong mga estudyante pa sila.
Napanood ko na at hindi lang ako naaliw. Kahit ang mga kasamahan kong nanood, natatawa.
Iikot ang kuwento ng ABNKKBSNPLAko?!: The Movie sa karakter ni Jericho Rosales na si Roberto, isang guwapo, pinong kumilos pero napaka-insecure na teacher na babalikan ang panahon ng kabataan sa pamamagitan ng isang elementary alumni homecoming.
Nung una, halos ayaw sanang mag-attend ni Roberto ng reunion. Sobra nga kasi siyang insecure sa kinahinatnan ng kanyang buhay kaya, feeling niya, matatalbugan lang siya ng mga dating kaklase.
Pero susulsulan siya ng best friend at housemate niyang si Ulo (Vandolph Quizon), na sa sobra namang pagka-carefree ay hindi ikinahihiya ang pagiging matandang binata at pagiging factory worker.
Makiki-convince si Ulo sa isa pa nilang kaibigan ni Roberto, si Portia (Meg Imperial), para kumbinsihin itong dumalo sa homecoming.
Magtatagumpay ang dalawa na mapapunta si Roberto sa reunion matapos sabihing dadalo rin sa pagtitipon ang one great love nitong si Special Someone (Andi Eigenmann).
Dito magsisimula ang pagbabalik-tanaw ni Roberto sa kanyang student life – mula nung grade school hanggang high school, college, at graduation. Maaalala niya ang panahon ng kakulitan nila ni Ulo, ang love-hate relationship niya kay Portia, ang naudlot niyang romansa kay Special Someone, ang adventures at misadventures sa kanilang teachers at professors, at kung anu-ano pa.
Sa kabuuan, masasabing masaya lang ang pelikula.
“One-of-a-kind, something good†pa nga dahil talagang makaka-relate ang moviegoers at mananariwa sa kanilang mga isipan ang kanilang sariling kabataan.
Magbibigay suporta kina Jericho sa pelikula ang iba pang artistang gaya nina Julio Diaz, Giselle Sanchez, former Pinoy Big Brother housemate Paul Jake Castillo, at marami pang iba.
Showing na ang ABNKKBSNPLAko?!: The Movie sa mga sinehan simula Feb. 19 mula sa Viva Films at MVP Pictures.
Graded A ng CEB ang pelikula.