AiAi sinupalpal ang pakikipagbati ni Jed

PIK: Ngayong araw na magsisimula ang Innamorata sa GMA 7 afternoon drama na pagbibidahan ni Max Collins.

Kasama rin dito sina Luis Allandy, Dion Ignacio, at Jackie Rice.

Malaki ang pasasalamat ni Luis sa GMA 7 na patuloy siyang binibigyan ng trabaho. Kahit paano’y nakakalimot ang dami ng trabaho sa malungkot niyang love life, pagkatapos siyang iwan ng babaeng dapat na pakasalan niya.

Mapapanood ang Innamorata pagkatapos ng Villa Quintana.

PAK: Ayaw nang patulan ni AiAi delas Alas ang pahayag ng dating asawa niyang si Jed Salang na gusto nang makipagkaibigan sa kanya.

Text sa amin ni AiAi: “Agad-agad? Time heals all wounds. Panahon lang makapagsabi.”

Sabi naman ni Jed, “Wala akong magagawa pero ’pag mabigyan kami ng chance sana maging friends kami.”

Ang dinig namin, parang type ni Jed na mag-showbiz kung mabigyan din siya ng pagkakataon.

Kaya malaki ang kanyang ipinayat para gumanda ang katawan at baka nga type niyang maging artista na lang.

BOOM: Ipinoste ni James Yap sa kanyang Instagram account ang litrato niyang kasama sina Bimby at Joshua. Nasa caption nitong kumpleto na raw ang birthday niya dahil kasama na nito ang anak niya, pati pa si Joshua na tuwang-tuwang nakita ang Tito James niya.

Ini-repost naman ni Kris ang litratong iyon at nagpadala ng mensahe sa dating asawa na tungkol sa pagiging mature na niya para sa mga anak.

Show comments