Hindi na kami sinagot ni Rocco Nacino sa comment naming umamin din siya after naming mabasa ang tweet niyang “Happy VaÂlentine’s Day, mi amor @lovipoe.†May kasamang emoticon ng heart ang greetings ng aktor sa GF.
Kung dati, mga sweet na pictures lang nilang dalawa ang nagpapakita ng estado ng kanilang relasyon dahil walang nagsasalita sa kanila, sa maiksing V-day greetings ng aktor, nakumpirma kung mag-ano ang daÂlawa.
Inalam namin sa common friends ng dalawa kung ano ang birthday gift ng aktor kay Lovi last FebÂruary 12, hindi lang alam ng aming tinanong, pero sabi ni Jun Lalin, birthday party ang sorpresa ni Rocco at invited ang friends ng GF.
Sa birthday presentation mamaya ni Lovi sa Sunday All Stars, hindi kami magugulat kung maÂkakasama niya si Rocco sa production number.
Samantala, sa mga nagtatanong, wala pang stoÂryÂcon ang Ang Dalawang Mrs. Real, ang GMA 7 soap na pagsasamahan nina Lovi, Dingdong Dantes at Maricel Soriano, next week ang meeting para sa soap na isyu na agad ang title.
Cong. Lito ayaw nang Mag-Mayor
Naaliw si Buhay Party List House Representative Lito Atienza sa press na nagkakamali kung ano ang itatawag sa kanya. Kahit Congressman na siya, marami pa rin sa press ang komportableng tawagin siyang “Mayor†na agad kinokorek at ginagawang “Congressman†ang pag-a-address sa kanya.
Siguro, panahon na para hindi na tawaging “Mayor†si Cong. Lito dahil sa pagharap nito sa press at nang tanungin kung may balak pa siyang balikan ang pagiging mayor ng Manila, negative ang sagot niya.
Sagot nito: “I have done my best for the renewal and solution at ‘di ko na iniisip bumalik pa bilang mayor, pero tutulong ako.â€
Pinag-react din si Cong. Lito sa sagutan nina Manila Vice-Mayor Isko Moreno at Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa truck ban. Ipinatutupad ng Maynila ang truck ban na tinututulan ng Quezon City. Sabi ni Cong. Lito, susuportahan niya ang Maynila kung kaya nilang ipatupad ang batas.
Aba nakakabasa na pala… hindi pinagsasawaan ng mga estudyante
Naniniwala na kaming maraming fans sa mga estudyante si Bob Ong dahil noong nasa National Book Store (Megamall branch) kami, nakita naming ilang estudyante ang bumili ng librong ABNKKBSNPLAko?! na bagong labas.
Iyon namang wala pang pambili, nagkasya na munang basahin ang synopsis sa likod ng libro with matching pangako siguro na ‘pag nagkapera, bibili siya ng kopya ng libro na ginawang pelikula ng Viva Films.
Sa showing ng movie sa February 19, hindi nakakagulat kung estudyante ang mga unang pipila para mapanood ang libro na binasa nila at ngayon ay isa ng pelikula.
Bida si Jericho Rosales, Vandolph, Meg Imperial, Andi Eigenmann, at iba pa. Sa direction ni Mark Meily na puro graded A ang pelikula.