^

PSN Showbiz

Rocco hindi na inililihim ang relas-yon nila ni Lovi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi na kami sinagot ni Rocco Nacino sa comment naming umamin din siya after naming mabasa ang tweet niyang “Happy Va­lentine’s Day, mi amor @lovipoe.” May kasamang emoticon ng heart ang greetings ng aktor sa GF.

Kung dati, mga sweet na pictures lang nilang dalawa ang nagpapakita ng estado ng kanilang relasyon dahil walang nagsasalita sa kanila, sa maiksing V-day greetings ng aktor, nakumpirma kung mag-ano ang da­lawa.

Inalam namin sa common friends ng dalawa kung ano ang birthday gift ng aktor kay Lovi last Feb­ruary 12, hindi lang alam ng aming tinanong, pero sabi ni Jun Lalin, birthday party ang sorpresa ni Rocco at invited ang friends ng GF.

Sa birthday presentation mamaya ni Lovi sa Sunday All Stars, hindi kami magugulat kung ma­kakasama niya si Rocco sa production number.

Samantala, sa mga nagtatanong, wala pang sto­ry­con ang Ang Dalawang Mrs. Real, ang GMA 7 soap na pagsasamahan nina Lovi, Dingdong Dantes at Maricel Soriano, next week ang meeting para sa soap na isyu na agad ang title.

Cong. Lito ayaw nang Mag-Mayor

Naaliw si Buhay Party List House Representative Lito Atienza sa press na nagkakamali kung ano ang itatawag sa kanya. Kahit Congressman na siya, marami pa rin sa press ang komportableng tawagin siyang “Mayor” na agad kinokorek at ginagawang “Congressman” ang pag-a-address sa kanya.

Siguro, panahon na para hindi na tawaging “Mayor” si Cong. Lito dahil sa pagharap nito sa press at nang tanungin kung may balak pa siyang balikan ang pagiging mayor ng Manila, negative ang sagot niya.

Sagot nito: “I have done my best for the renewal and solution at ‘di ko na iniisip bumalik pa bilang mayor, pero tutulong ako.”

Pinag-react din si Cong. Lito sa sagutan nina Manila Vice-Mayor Isko Moreno at Quezon City Mayor Herbert Bautista tungkol sa truck ban. Ipinatutupad ng Maynila ang truck ban na tinututulan ng Quezon City. Sabi ni Cong. Lito, susuportahan niya ang Maynila kung kaya nilang ipatupad ang batas.

Aba nakakabasa na pala… hindi pinagsasawaan ng mga estudyante

Naniniwala na kaming maraming fans sa mga estudyante si Bob Ong dahil noong nasa National Book Store (Megamall branch) kami, nakita naming ilang estudyante ang bumili ng librong ABNKKBSNPLAko?! na bagong labas.

Iyon namang wala pang pambili, nagkasya na munang basahin ang synopsis sa likod ng libro with matching pangako siguro na ‘pag nagkapera, bibili siya ng kopya ng libro na ginawang pelikula ng Viva Films.

Sa showing ng movie sa February 19, hindi nakakagulat kung estudyante ang mga unang pipila para mapanood ang libro na binasa nila at ngayon ay isa ng pelikula.

Bida si Jericho Rosales, Vandolph, Meg Imperial, Andi Eigenmann, at iba pa. Sa direction ni Mark Meily na puro graded A ang pelikula.

 

ANDI EIGENMANN

BOB ONG

BUHAY PARTY LIST HOUSE REPRESENTATIVE LITO ATIENZA

DINGDONG DANTES

HAPPY VA

JERICHO ROSALES

KUNG

LITO

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with