Marami ang humanga kay Toni Gonzaga nang mag-guest ito sa bagong show nina Kris Aquino at Boy Abunda at sabihin niya kung paano siya nahihirapan na paÂngaÂtaÂwanan ‘yung “no sex before marriage†na patakaran niya sa mahigit na limang taong relasyon nila ng boyfriend niyang si Paul Soriano.
“Napakahirap pangatawanan but because I believe that love is the stronger foundation in any relationship and should be greater than the lust we feel for each other, we manage,†anang artista na ang pelikula tungkol sa pag-ibig ay dinadayo ngayon ng napakaraming manonood sa mga sinehan.
Magugulat kayo na makita kung paanong ang isang hindi naman dating pumapayag gumanap sa mga matitinding love scenes sa kanyang mga pelikula ay nakipag-lampuÂngan nang todo-todo sa kanyang kaparehang si Piolo Pascual pero ni isang manonood ay hindi nasagwaan sa kanyang ginawa.
Panoorin n’yo lang ang Starting Over Again para makita how daring Toni has become.
Kris hindi pa masyadong nakakabuwelo sa bagong show
Mas magiging interesting pa siguro ang Aquino & Abunda Tonight kung hindi mabubusalan si Kris Aquino sa mga gusto niyang sabihin sa programa. Agad kasi siyang naka-cut ni Boy kapag may gusto nang kumawala sa kanyang bibig na tulad nang napanood ko nung i-guest nila si VP Jejomar Binay.
Michael Christian kailangan pa ng tulong
Hindi man nanalo si MiÂchael Christian Martinez sa Winter Olympics na sinalihan niya sa Sochi, Russia, pero ‘yung makarating siya sa finals ay sapat na sa ating mga Pilipino na umasam na may maganda tayong mararaÂting sa sport na ito sa kaÂbila ng tayo ay nasa tropical country at walang snow dito at ang kakaunting skaÂting rink natin na maÂtatagpuan sa mga SM Malls ay unti- unti nang nawawala.
Malayo man ang posisyon na inabot ni Michael (19th), hindi ito magiging hadlang sa muli niyang paglÂahok sa susunod na Winter Olympics na magaganap sa 2018 sa Pyeongchong, South Korea. Isang malaking tulong sa kanyang training ang $10,000 o ang katumbas nitiong P450,000 na bonus na ipinagkaloob sa kanya ng MVP Sport Foundation.