^

PSN Showbiz

AiAi si James na ang bagong bff!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang ang Italian girlfriend ni James Yap ang bagong BFF ni AiAi delas Alas dahil super close na uli ito sa ex-husband ni Kris Aquino.

Manonood nga uli si AiAi sa susunod na basketball game ni James kaya magkikita uli sila ni Michela Cazzola. Regular na pinadadalhan ni James si AiAi ng tickets para sa kanyang mga laro.

Hindi ako magugulat kung mababalitaan natin na nag-aaral na rin si AiAi ng Italian language para lalo silang maging close at magkaintindihan  ni Michela  na siguradong may sorpresa kahapon kay James dahil ipinagdiwang nito ang 32nd birthday.

Wally Bayola unti-unti nang nagiging normal

Marami ang nakapansin na bumabalik na ang pagiging madaldal ni Wally Bayola sa segment nila nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang bumalik si Wally sa Eat Bulaga matapos masangkot sa sex video scandal.

Halata na ilang na ilang si Wally sa pagbabalik nito sa telebisyon dahil hindi niya alam kung paano siya tatanggapin ng publiko.

Limitado ang pagsasalita ni Wally sa mga unang araw ng comeback niya sa telebisyon at napansin din ‘yon nina Joey de Leon at Vic Sotto.

Understandable ang pagiging kimi ni Wally dahil nangangapa siya. Parang nagsisimula uli ang kanyang career na naapektuhan nang husto ng video scandal nila ng ex-EB Babes member na si Yosh Rivera. Hindi madali na kumilos ng normal lalupa’t na-sight na ng buong mundo ang kanyang tweety bird at paraan ng pakikipagtsugihan!

Kahapon, tinutukso si Wally ni Bossing dahil nagsasalita na uli siya. Hindi na numero ang kanyang mga kilos at inaasahan na mas magiging komportable siya sa mga susunod na araw.

Parking lot ng MOA naging OA ang traffic

Mama Salve, aminin mo na kabilang ka sa mga nanood ng Voices of Love na nagdusa sa parking lot ng Mall of Asia Arena.

Iisa ang reklamo ng mga nanood ng successful Valentine concert nina Martin Nievera at Regine Velasquez, inabot sila ng halos isang oras bago nakalabas sa parking lot ng MOA Arena  dahil kulang sa sistema at nakatayo lamang ang mga security guard na hindi alam kung paano  bibigyan ng solusyon ang problema.

May mga nagsalita na never na silang manonood sa mga show sa MOA Arena hangga’t hindi naaayos ang paglabas ng mga sasakyan mula sa parking lot sa 7th floor hanggang sa ground floor. Traffic na nga raw sa Edsa at sa Roxas Boulevard, nabiktima pa sila ng mas matinding trapik sa mismong parking lot ng MOA Arena.

Dapat gawan ng paraan ng management ang problema sa kanilang parking lot para hindi na maperwisyo ang mga tao na tinatabangan nang manood ng mga show sa MOA Arena.

Deniece hinahanap para sagutin ang bagong ebidensiya ni Vhong

Ang mga bagong development sa kaso nina Kuya Vhong Navarro, Deniece Cornejo, at Cedric Lee ang mapapanood ngayong hapon sa Startalk.

Sinisikap ng Startalk staff na makuha ang panig ni Deniece tungkol sa pagbasura ng korte sa kanyang petition for permanent protection noong araw ng mga puso.

Siyempre, kailangan din na sagutin ni  Deniece ang paglabas ng bagong CCTV footage na nagpapakita na hinahalikan siya ni Cedric sa leeg habang  nasa loob sila ng elevator ng Forbeswood Heights Condominium, pagkatapos nilang dalhin sa presinto si Kuya Vhong.

Kuya Vhong na ang tawag kay Vhong dahil matunog na kuya ang address sa kanya ni Deniece. Wondering si Vhong dahil kuya na ang tawag sa kanya ni Deniece. Sweetie raw ang dating tawag sa kanya ni Deniece at pruweba ang mga text message na na-retrieve ng NBI agents mula sa cell phone niya.

vuukle comment

CEDRIC LEE

DAHIL

DENIECE

DENIECE CORNEJO

EAT BULAGA

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

KUYA VHONG

VHONG

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with