^

PSN Showbiz

P-Noy kulang sa vitamins, birthday ni Kris muntik makalimutan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panahon na siguro para uminom ng vitamins na Ginko Biloba si President Benigno Aquino III. Hahaha. Imagine muntik na niyang makalimutan ang birthday ng kapa­tid na si Kris Aquino samantalang lahat na yata ng tao ay memorize ang kaarawan ng presidential sister na bukod sa memorable date ay dahil maraming post sa social networ­king sites at maingay na maingay sa TV ang tungkol sa celebration ng birthday nito. Siguro sa rami nang iniisip ni Presidente Noynoy, nakalimutan niya ang birthday ng kapatid.

At ang nagpaalala pa pala kay Presidente ay si Sen. Juan Edgardo Angara nang magkita sila sa opening ng 21st Travel Expo 2014 ng Philippine Travel Agencies Association sa SMX Convention Center kahapon.

“So kung hindi dahil sa kanya baka nakaligtaan kong mabati ang aking kapatid (If it were not for Sen. Angara, I might have forgotten to greet her),” sabi ni P-Noy kahapon sa mga nag-interview.

Anyway, dahil walang girlfriend, mga kaibigan ang kasama ng presidente sa Valentine’s Day.

“Mamaya (kahapon) naman ay magtitipon kami ng mga kaibigan ko at may kaunting salu-salo, hanggang doon na lang ‘yon (Later today, I will get together with some friends. That’s it),” sabi niya.

Kelan nga kaya magkakaroon ng ka-valentina ang ating presidente. Hindi kaya nabo-bore siya na walang girlfriend?

Kung sabagay ang daming problema ng ating bayan na kailangan talaga niyang ayusin. ‘Yun lang dumaraming pamilya na nakatira sa mga kalsada na ang mga anak ay nagkalat na lang sa mga main streets at nanghihingi ng limos.  Paano pa nga niya naaalala si Kris.

Sinehan ng Basement nabawasan na

Nabawasan na raw ang mga sinehang pinaglalabasan ng pelikulang Basement. Horror film ito na parang hindi nababagay sa Araw ng mga Puso kaya siguro hindi pinanood ng mga gustong mag-loving-loving.

Eh binangga pa nila ang Starting Over Again na bida sina Piolo Pascual and Toni Gonzaga na maganda pa ang kuwento kaya naman pinipilahan.

Kaya ang ending dinagdagan daw ang mga sinehan ng Starting Over Again at nabawasan ang Basement na ang mga bida ay sina Sarah Lahbati, Aljur Abrenica, Chynna Ortaleza, Louise Delos Reyes, Kristoffer Martin, Enzo Pineda, Dion Ignacio at iba pang GMA Artist stars.

Carla, Camille, at Denise: Inatake ng nerbyos, kilabot at takot sa shooting

Sanib-puwersa ang tatlong magagaling na aktres na sina Carla Abellana, Camille Prats, at Denise Laurel na maghahatid ng takot at walang humpay na sigawan sa buwena-manong handog ng Regal Entertainment ngayong Feb­ruary 26, ang Third Eye.

Gaya nang de kalidad na horror movie na gawa ng kumpanya ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, binusisi, pinagbuti at non-stop ang kahin­dik-hindik na mga tagpo sa Third Eye.

“After ng success ng Pagpag, gusto namin ng mas nakakatakot pang pelikula at inilagay namin ‘yon sa Third Eye. Tradisyon na kasi ng Regal na ibigay sa manonood ang gusto nila na tumitili at kinakabog ang dibdib sa simula hanggang en­ding ng movie. Modesty aside, matitikman nila ‘yan sa Third Eye. Ako na sanay na sa horror movies, natakot pa, ganyan din ang mararamdam nila once panoorin nila ang movie!” pahayag ni Mother Lily.

Tungkol sa isang babae na may tinatawag na “third eye” ang kuwento ng movie na ginampanan ni Carla. Nagdulot ito ng matinding trauma nu’ng bata pa siya kaya naman “isinara” ito ng lola niyang ginampanan ni Boots Anson Roa. Subalit binigyan siya ng babala na muling magbubukas ‘yon sa panahong mahina ang kanyang loob.

Si Ejay Falcon ang lalabas na asawa ni Carla sa mo­vie. Palibhasa wala silang anak, pinatulan niya si Denise na kanyang nabuntis. Sanhi ng galit at dala ng matin­ding selos, kinumpronta niya ang asawa’t kalaguyo.

Subalit hindi inakala ng babae na ang pakikipaglaban niya sa karapatan niya bilang asawa ay magbibigay ng daan sa mas mabigat na kalaban sa katauhan nina Camille at asawang si Alex Medina na uhaw sa laman at dugo ng tao!

Sa totoo lang, nakakakilabot  ang konsepto ng pelikula. Hindi rin itinanggi nina Carla, Camille at Denise ang karanasan nilang matakot habang ginagawa ang movie. Although alam nilang production design lang ang mga bagong creatures na mapapanood sa movie, nakaramdam din sila ng nerbiyos at takot sa set ng movie.

 â€œI did an episode for Shake, Rattle & Roll, at natakot din ako. Pero hindi ko akalain na nenerb­yusin ako sa gagawin kong scenes. Eerie ang feeling namin sa location at ‘yung mga sigaw ko, totoo ‘yon! Hindi arte lang!” pahayag ni Carla.

Maninibago naman ang mga tao sa role ni Ca­mille sa movie. Sanay kasi siyang napapanood sa drama. Sa Third Eye,  matinding takot ang ihahatid niya.

 â€œChallenge sa akin ‘yung role ko because people saw me in drama. Stop muna ako sa iyakan at pagpapaiyak. Tatakutin ko naman sila sa movie! Ha! Ha! Ha!” saad naman ni Camille.

Sa movie, mapapansin pa rin ang pagiging hot mama ni Denise na ikinagiliw sa kanya sa ginawang series sa Channel 2 noon. Only this time, may kaakibat na pakikipaglaban sa mga nakakakilabot na characters ang magsisilbing hamon sa kanya.

“I enjoyed doing the film. Ang sarap palang gumawa ng horror movie. It’s a thrilling experience I would never forget. Ina­ake rin ako ng takot while shooting the film. Ni­la­ka­san ko na lang ang loob ko sa bawat eksena. Tiniis ko ang takot ko. Ayo­kong mapahiya sa co-stars ko lalo na kay Carla! Ha! Ha! Ha!” sabi naman ni De­nise.

Mula ito sa direksyon ni Aloy Adlawan.

Kiti ni Luis, nagawa ang challenge para sa kanilang balikan

Nakakakilig, nakakatawa, at nakakakabang finale ang handog sa TV viewers ng top-rating game show ng ABS-CBN na Minute to Win It dahil sa ka­kaibang reunion ng host na si Luis Manzano sa ‘kiti’ nitong si Angel Locsin na siyang celebrity player sa susunod na linggo (Pebrero 20 at 21).

Kaabang-abang sa back-to-back finale episodes ang tagpo kung saan buong tapang na sinabi ni Angel na kapag nagawa niya ang isang partikular na challenge ay magiging sila na muli ni Luis.

Sa kabila ng hiyawan ng studio audience, makum­pleto kaya ni Angel ang nasabing challenge sa loob ng isang minuto? Ano ang magiging reaksyon ni Luis kung sakaling mangyari ito?

Samantala, maglalaro rin sa finale week ng Minute to Win It ang The Biggest Loser Pinoy Edi­tion Doubles challenge masters na sina Matteo Guidicelli at Robi Domingo, Got to Believe stars na sina Ian Veneracion at Benjie Paras, at basketball superstar na si Jeron Teng at ang kanyang amang si Alvin laban sa boksingerong si Gerry Peñalosa at ang kanyang anak na si JC. Sino kaya sa kanila ang magwawagi ng mailap na P1 million jackpot prize?

Namayagpag sa ere ng mahigit isang taon ang Minute to Win It dahil sa mga patok nitong tila madadaling challenges gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay, opisina, at eskwela. Pumatok ito sa panlasa ng maraming manonood--mga bata, matatanda, magkakapamilya, magkakaibigan, at iba pa--dahil sa iba’t iba nitong inilunsad na edisyon gaya ng Junior Challenge, Head to Head Challenge, at Family Challenge na may kanya-kanyang nakatakdang rules na pawang nakakaaliw sa lahat.

CAMILLE

CARLA

DENISE

MOVIE

NIYA

SHY

THIRD EYE

WIN IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with