MANILA, Philippines - Nangunguna pa rin ang Radyo5 92.3 News FM at tinanghal na #1 preferred radio station among motorists for 2013. Numero uno pa rin ito sa mga taxi, jeep, fx, at vans sa Metro Manila, mula umaga hanggang gabi, ayon sa recent Psrc Car Coincidental Survey.
Nagpapasalamat ang Radyo5 sa parangal na ito na nagpapatunay na tiwala ang publiko sa Radyo5 pagdating sa balita, impormasyon, at serbisyo publiko. Powered by TV5’s News5, ang Radyo5 ang kauna-unahang news and commentary radio station sa FM Band. Naririnig rin ito sa Metro Cebu at Metro Davao.
Ang mga bigating anchors ng istasyon ay pinangungunahan nina Luchi Cruz-Valdes at Atty. Mel Sta.Maria, Raffy Tulfo at Nina Taduran, Erwin Tulfo at Martin Andanar, Ben Tulfo, Cherie Mercado, Danton Remoto , Lourd de Veyra, EdiÂnell Calvario, at Anthony Pangilinan.
Kabilang sa mga programa nito ang Punto Asintado (8 a.m. -10 a.m.) nina Erwin Tulfo at Martin Andanar, Relasyon (12 n.n.-2 p.m.) nina Luchi at Atty. Mel, Wanted Sa Radyo (2 p.m.-4 p.m.) nina Raffy at Nina, at hook-up’s ng Good Morning Club (5:30 – 6:00 a.m.), T3 (530-6pm), at Pilipinas News (10:45 – 11:15 p.m.) ng TV5.