Mga bagong GMA Kapuso Village itatayo sa Leyte

MANILA, Philippines - Isang bagong simula ang han­dog ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga re­sidente ng Tacloban at Palo, Leyte na naa­pektuhan ng bagyong Yolanda sa pama­ma­gitan ng pagtatayo ng mga Kapuso Village sa nasabing lugar.

Sa pangunguna ni GMAKF EVP at COO Mel C. Tiangco ginanap noong Ene­ro 21 ang groundbreaking ceremonies para sa mga Kapuso Village na itatayo sa mga nasabing bayan. Dumalo rin sina NHA Regional Project Manager Engr. Rizalde at mga staff at opisyal ng lokal na pamahalaan - sa Tacloban naroon sina Mayor Alfred S. Romualdez, barangay chairpersons Hon. Alden Villarmino of Barangay Sto. Nino, at Hon. Emilita Montalban of Barangay 88; at sa Palo naman ay sina Mayor Remedios L. Petilla at Leyte Vice Governor Hon. Carlo. Dumalo rin ang mga beneficiary ng proyekto.

Katuwang ng GMAKF ang mga local government unit at ang National Housing Authority (NHA) sa pagtatayo ng mga Kapuso Village na magsisilbing rese­ttlement area para sa mga nasalanta ng Yolanda noong nakaraang taon.

Layunin ng GMAKF na mabigyan ng kalidad at matibay na tirahan ang mga nasalanta ng bagyo upang hindi na maulit ang trahedyang sinapit nila noong nakaraang taon.

 â€œThe donations entrusted to us by the many compassionate and concerned citizens from all over the world will materialize into a wonderful new beginning for the families here in Leyte,” ibinahagi ni Tiangco.

Ang mga dating residente ng Barangay San Jose sa Tacloban ang bibigyang prayoridad sa 400 na bahay na itatayo sa Kapuso Village doon. Kasabay nito ay magtatayo rin ang GMAKF ng 20 bagong silid-aralan. Naglaan ng 3.5 ektarya ng lupa ang city government ng Tacloban para sa proyekto.

Mala-Diyosang modelo pipi nang ipanganak

Isang oras ng mga makabuluhan at napapanahong isyu ang itatampok ngayong Sabado sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV na handog ng ScriptoVision.

Sa unang parte na may Kwento ng tagumpay isasalaysay ni Dodoy Belado na nainterbyu ni Mader Ricky.  Matalino, masinop at masikap ang ginoo na isang araw ay naisip na “may pera sa basura.”

Ngayo’y matagumpay na ang mga produktong ginagawa ni Dodoy mula sa mga basurang itinatapon lamang ng ibang tao.

Sa ikalawa namang Kuwento ng Pagsisikap, masasaksihan ang maraming tagahanga ng modelong si Christine Balaguer. Tila isa siyang diyosa kapag rumarampa lalo’t napakaganda ng kanyang mukha at angkin niya ang hubog ng katawang  mala-Venus.

Alam n’yo bang ipinanganak na pipi ang dalaga?  Pero pinatunayan niyang ‘di hadlang ang kapansanang ito para matupad ang iyong pangarap na sumikat sa larangang papasukin.

At masasaksihan naman sa Kwento ng Pag-asa ang isang 15 anyos na kabataang may Type A Diabetes na patuloy na nagdarasal sa kanyang paggaling isang araw at maging normal. 

Kapwa tapos ng kurso sa kolehiyo sina Vince Vargas at Glaiza Sarmiento (Mr. and Ms. Sogo Ambassadors) at sa programa’y ilalahad nila ang dahilan kung bakit sa halip na gamitin ang kursong pinagtapusa’y mas pinili nila ang pagsali sa paligsahan na ang tema’y pangangalaga sa kapaligiran, pagtulong sa mga may sakit at pangangalaga sa mga senior citizen.

 

Show comments