Tampo kay Kris matindi pa rin AiAi bagong bestfriend ang GF ni James Kris biglang pinag-usapan sa game fixing

SEEN: Milya-milya ang layo ng first day box office gross ng Starting Over Again ng Star Cinema sa Basement ng Springboard Film Productions at Coffee House Productions.

SCENE: May special participation sa Starting Over Again sina Vhong Navarro, Luis Manzano, Sam Milby, at Paul Soriano.

SEEN: Hindi na-capture ng camera ang best angle ni Paul Soriano sa cameo appearance nito sa pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual. Si Paul ang real life boyfriend ni Toni.

SCENE: Mali ang radio report kahapon nina Luchi Cruz Valdes at Atty. Mel Sta. Maria na si Amado Cortez ang ama ni Mat Ranillo III na nasasangkot ang pangalan sa pork barrel scam. Second husband ni Gloria Sevilla si Amado at anak niya si Mat sa unang asawa.

SEEN: Malalim ang hidwaan ni Mat Ranillo III at ng businesswoman na si Jenny Napoles. Idinemanda ni Jenny si Mat at binawi niya ang ibinigay na sasakyan sa aktor na itinago nito sa Mindanao.

SCENE: Maingay ngayon ang pangalan ni Kris Aquino dahil sa pagtatanggol niya sa ex-husband na si James Yap sa isyu ng game fixing. Alam ni Kris kung paano siya mapag-uusapan.

SEEN: Ngayon ang 43rd birthday ni Kris Aquino at bukas ang 32nd birthday ni James Yap na pumayag na magpainterbyu sa Startalk, kasama ang kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola.

SCENE: Sinuportahan ni AiAi delas Alas ang basketball game ni James noong Miyerkules.”Bestfriend” ni AiAi si Kris Aquino pero tsika-tsika sila ni Michela.

Nagtampo si AiAi kay Kris nang mamatay noong December ang kanyang biological mother.

 

Show comments