May bulung-buluÂngan na malapit na raw magkasundu-sundo ang pamilya Barretto. Ayon naman kay Marjorie Barretto ay mukhang imposible pa raw na mangyari ito sa ngayon. Ito ay kaugnay sa gulong kinasasangkutan ng bunsong kapatid na si Claudine Barretto. “Wala, and I don’t want to talk about her. No, that is not true. I am with my family and the majority of my family, we are very close and tight,†pahayag ni Marjorie. Ang mahalaga raw para sa aktres ay masaya siya dahil kasama niya ang mga anak.
Samantala, todo-suporta si Marjorie kay Julia Barretto lalo na’t malapit na ring maipalabas sa Kapamilya network ang launching project ng anak na Mira Bella. Malaki ang pasasalamat ni Marjorie dahil natanggap daw ng kanyang mga anak ang naging gulo sa kanilang pamilya kaya hindi na rin sila nagpapaapekto rito. “Kahit sa anong bagay, maraming challenges ang mapi-face ng mga anak ko. I try not to protect them too much. I’m here to protect them but I have to equip them. Showbusiness is definitely hasher than the real world. Talagang it’s a crazy world, they have to be equipped. They have to know how to accept bashers and know how to ignore them,†paliwanag ni Marjorie.
Xian, todo sorry sa mga ‘nilait’
Kamakailan ay pinadalhan ni Xian Lim ang Kapuso star na si Bea Binene ng mga bulaklak. Ito ay upang huÂmingi ng paumanhin sa pagkakabanggit niya ng pangalan ng aktres sa kontrobersyal na guesting sa Banana Nite para sa Chinese New Year episode nito.
Laking gulat daw ni Bea nang datnan niya sa bahay ang mga pinadala ni Xian. Nagpasalamat si Bea sa aktor sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. “I was surprised when I saw this when I got home. Thank you (Xian Lim)! You don’t need to give me these, but still, you did. God bless you!†mensahe ni Bea para kay Xian.
Makikita rin sa larawang nai-post ng dalaga ang mga bulaklak na may kasama pang personal note mula kay Xian. “Hi! Bea! I just want to apologize for what happened nung Chinese New Year. I want you to know na I didn’t mean it as as insult nung binanggit ko pangalan mo. Thanks for understanding, and sorry for everything!†mensahe ni Xian.
Humingi na rin ng paumanhin ang aktor sa Kalokalike contestant ng It’s Showtime na si Charmae Viking dahil sa nangyari sa nasabing palabas.
Reports from JAMES C. CANTOS