Puso ang Una kakaibang pang-Valentine ng GMA

MANILA, Philippines - Damang-dama ang pagmamahal sa GMA Network ngayong Pebrero sa pamamagitan ng kanilang Kapuso Month campaign na tinaguriang Puso ang Una. Handog dito ang mga natatanging kuwento ng pagmamahal na lalong nagpapatibay sa iba’t ibang uri ng samahan.    

Sa nasabing campaign, inilalarawan ang sari-saring paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa pang araw-araw na buhay. Tampok ang nakaaantig na kuwento ng mag-asawa, mag-ama at mga magkakatrabaho.

 â€œAt the heart of this Network are its viewers,” pahayag ni GMA Network Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon. “That is why we always aim to develop a deeper bond with them by sending the message that in the Kapuso Network, we put our hearts in everything we do.”

Ayon naman kay GMA Network President at COO Gilberto R. Duavit Jr., “Moving beyond the typical Valentine’s Day fare, we thought it timely to celebrate the broader types of love – and how much more love can be felt in such relationships through small acts of the heart, be it through reconciliation, forgiveness, even solidarity.”

Nais ibahagi ng nasabing campaign ang mensahe na ang bawat isang bagay ay nagiging mas makabuluhan kung ito ay manggagaling sa puso. Bilang Kapuso station, isinasabuhay ito ng GMA sa paghahatid ng entertainment, news at public service sa mga Kapuso viewers sa loob at labas ng bansa.

Mapapanood ang Puso ang Una campaign sa GMA 7 sa buong buwan ng Pebrero.

Ang Kapuso Month campaign ay pinangunahan ng mga miyembro ng GMA Program Support Department (PSD): Regie Bautista (First Vice President), Dino Garcia (Creative Director), Grace Feliciano (Assistant Vice President), Joy Comia-Ashipaoloye (Junior Associate Creative Director), Jason Faustino (Sr. Visualizer), Raymond Ignacio (Sr. Visualizer) at Hasmin Marable (Senior Project Manager).

Show comments