^

PSN Showbiz

Magagawa mo bang tanggapin ang pag-ibig na hindi pangkaraniwan?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa mang ina, alam at tanggap na ni Jing na hindi siya tulad sa ibang mga babae. Hindi lalaki ang gusto niyang makasama sa kanyang buhay. Ang problema, dahil sa kanyang kayamanan, nakikita siya ng mga babaeng nagugustuhan niya bilang taong puwede nilang huthutan.

Samantala, si Clemen ay isang waitress sa isang bar, agad nitong mapupukaw ang interest ni Jing. Ngunit dahil ilang beses nang napasok, magpapanggap si Jing na mahirap para makita kung magugustuhan siya ni Clemen kahit na wala siyang pera.

Issue ng trust ang kahaharapin ng dalawa sa kanilang mala-telenovela na love story—lalo na kapag nalaman na ni Clemen ang totoong pagkatao ni Jing: na may kaya ito—at hindi tanggap ng ina nito ang kanyang napiling lifestyle.

At mate-test lalo ang kanilang relationship sa pagbabalik ng ama ng anak ni Jing—na ngayon ay gusto nang ipakasal sa kanya ng kanyang ina.

Ano kaya ang kahihinatnan ng kakaibang love story nina Jing at Clemen? Alamin.

Itinatampok si Chynna Ortaleza, kasama sina Isabelle Daza, Luis Alan­dy, Robert Ortega, John Arcilla, Susan Africa with the special participation of Ms. Gloria Romero.

Mula sa direksiyon ni Andoy Ranay, sa panulat ni Vienuel Laviña at pananaliksik ni Angel Lauño, huwag palagpasin ang My Lesbian Lover: The Jing and Clemen Love Story ngayong Sabado ng gabi sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANGEL LAU

CHYNNA ORTALEZA

CLEMEN

DADDY KO

ISABELLE DAZA

JING

JING AND CLEMEN LOVE STORY

JOHN ARCILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with