Hindi pa man ay naiintriga na ang kasalang Karylle at Yael Yuson. Paano naman parang walang kaalam-alam dito si Zsa Zsa Padilla. Sadya bang hindi sinasabi ng dalawa ang kanilang plano sa Divine Diva? O baka naman hindi boto si Zsa Zsa sa would be groom. Ano ba talaga ang dahilan?!
Aiza at Lisa mas bagay manirahan sa ibang bansa
Sa California, USA pala magpapakasal sina Aiza Seguerra at ang girlfriend niyang si Lisa Dino. Doon nga naman allowed ang same sex marriage. Dito kasi sa atin ay hindi ito pinapayagan kaya baka maghihintay lang sila sa wala. Might as well, go to a country where this is allowed. Sasabihin ko sana na dun na rin sila magsimula ng bagong buhay, pero andito sa bansa ang trabaho ni Aiza kaya hindi nila maiiwan ang ’Pinas.
Regine nababaitan kay Rachelle Ann
Panonoorin pala ni Regine Velasquez si Rachelle Ann Go sa Miss Saigon. Talagang maglalaan siya ng oras para makalabas ng bansa kahit sandali dahil love niya ang kasamahan niya sa Sunday All Star. Bukod sa nababaitan siya kay Rachelle Ann ay nagagaÂlingan pa siya rito.